Posts

Showing posts from January, 2018

Finals: Sulatin Blg. 2

"Sulatin Blg. 2" Isinulat ni Rich Anne A. Magsombol Isabuhay Mo Na: 1. Mahahalagang aral na pumukaw sa aking kaisipan:          Ang mahahalagang aral na pumukaw sa aking kaisipan ay ang pag-alam kung kailan at saan ako babalik kapag ako ay nakatapos at may trabaho na, ang hindi pagsuko sa aking mga pangarap at ang pagtatagumpay ay kalakip ng pagsisikap mag-aral at makapagtapos. 2. Pag-uugnay sa sariling karanasan:       Gaya ng nasa replektibong sanaysay, ako rin ay nagsisikap upang maabot ko ang aking mga pangarap. Ako ay patuloy na naghihirap makapagtapos upang masuklian ko ang paghihirap sa trabaho ng aking mga magulang. At higit sa lahat, alam ko kung paano magbalik-tanaw sa mga nangyayari sa aking nakaraan. 3. Pagsasabuhay sa natuklasan sa iyong sarili:       Isasabuhay ko ito sa pamamagitan ng pagsusumikap pa upang maabot ko ang aking mga pangarap at hindi pagsuko sa pag-abot nito. Ako rin ay hindi mak...

Finals: Sulatin Blg. 1

"Sulatin Blg. 1" Isinulat ni Rich Anne A. Magsombol Suriin Mo Na: 1. Ano ang mahalagang layuning nililinang ng pagsulat ng replektibong sanaysay?        Ang mahahalagang layuning nililinang nito ay ang makapagbalik-tanaw sa isang pangyayari at makakuha ng aral o realisasyon mula rito. 2. Bakit kailangang gumagamit ng deskriptibong wika sa pagsulat ng replektibong sanaysay?      Kailangang gumamit ng deskriptibong wika rito upang mailahad ng tama at detalyado ang pangyayari sa mga mambabasa at maiparamdam sa kanila ang sitwasyong tinatalakay sa replektibong sanaysay. 3. Ano-ano ang mahahalagang bagay na dapat mong tandaan sa pagsulat ng repleksiyon?          Mahalagang tandaan na gawing kawili-wili ang panimula ng sanaysay, gumamit ng mga angkop na salita, gumamit ng magandang estilo sa pagsulat at pumili ng paksa na magiging 'relatable' sa lahat. 4. Bakit mahalagang matutuhan ang ganitong uri ng sulat...

OP# 6: "Ina"

Simula ng ako'y iyong isinilang, isang taon mo kong  inalagaan, isang taon mo kong  pinagsilbihan ngunit ng ako ay isang taon pa lamang ay lumisan kana. Noon hindi  ko lubos malaman kung bakit ang pamilya natin ay nasira. Hindi ko rin  alam  kung ika'y makakapiling pa. Lubos kong  hinahanap ang pagmamahal ng aking sariling ina. Ang araw ay dumating at muli kang nakasama, halos pitong taon kang  inantay nalaman ko na ikaw ay lumisan upang ibigay ang aming  pangangailangan. Ngunit umalis kang  muli  upang harapin ang mga pagsubok na iyong tatahakin para maibigay ang aming  pangangailangan. Kaya mo bang ibigay ang mga responsibilidad mo samin o itong  iyong tatakasan at kami'y aabandonahin. Sa umpisa pa lamang ay nananabik na kami sa iyong mahihigpit na yakap at matatamis mong halik na aming  minimithi at pinapangarap. Ngayon ay nakapiling kana wala na kong  sasayangin na  oras upang ikaw ay ma...

OP#7

"Paggamit ng makabagong Teknolohiya sa Edukasyon" Isinulat ni Rich Anne A. Magsombol       Ipinapakita sa editorial cartoon ang pagbabago sa mga kagamitan sa pag-aaral. Mula sa traadisyonal na pamamaraan ng pag-aaral o ang paggamit ng libro ay naging isang malaking hakbang ang paggamit ng mga makabagong teknolohiya gaya ng Internet. Ang pagsibol ng Internet era ay talaga namang nakatulong sa edukasyon ng marami.             Para sa akin, naging maganda ang epekto ng paggamit ng mga makabagong teknolohiya sa pag-aaral. Bagamat maraming nagsasabi na ginawa nitong tamad ang karamihan sa mga estudyante dahil sa "easy access of information", kinakailangan pa rin naman magtiyaga ng mga estudyante na suriin ang mga impormasyon sa Internet. Nakatulong ang "easy access" sa pagpapayaman pa ng kaalaman ng mga estudyante. Dahil sa "one-click surfing", marami na agad nadidiskubre ang mga mag-aaral tungkol sa nais nilang malaman. Kumpara sa libr...

OP#5

"Bionote"            Si Rich Anne A. Magsombol ay nagmula sa bayan ng Tanza, Cavite, siya ay kasalukuyang nasa ika-12 baitang sa Saint Augustine School- Senior High School. Siya ay isa sa mga "Gold Awardee" noong baitang 11 at nanalo rin siya sa patimpalak ng "Music Writing and Singing Contest" nang taong ding iyon. Siya ay nagtapos bilang 3rd Honor noong siya ay nasa Junior High School. Nagkamit din siya ng parangal bilang ikatlong pinakamahusay na mga mananaliksik sa kanilang "School-based Science Research Fair".              Siya ang panganay na anak nina Anna Marie A. Magsombol at Richard V. Magsombol, na pinapangarap na maging isang "Certified Public Accountant" sa hinaharap. Siya ay may kawilihan sa asignaturang "Accounting" at Ingles at kinahihiligan niyang magbasa ng mga libro, manood ng mga pelikula at magsulat ng mga tula. Siya ay may angking galing sa pagsulat ng mga kanta at tula at maging sa pagkanta....

OP#4

"Ang Kasaysayan ng Saint Augustine School" Isinulat ni Rich Anne A. Magsombol            Ang Saint Augustine School- Tanza ay isang pribadong paaralan sa bayan ng Tanza, Cavite. Ito ay ipinangalan sa santo ng bayan na si "St. Augustine" o si Tata Usteng.              Taong 1969 nang maisipan ni Monsignor Francisco V. Domingo, ang pari ng bayan noong panahong iyon, na itayo ang ganitong klase ng paaralan dahil sa nakita niyang pangangailangan ng bayan ng pormal na pagtuturo ng "Catholic Christian Formation" na magiging abot kaya sa lahat. Ang paaralan ay pormal na nagbukas noong Hunyo taong 1969. Noong unang taon ay kinder at mga klase sa unang baitang lang ang alok ng paaralan. Ang unang punong-guro ng paaralan ay si Sr. Angeles Gabutina na naglingkod lamang ng dalawang buwan. Sinundan siya ni Sr. Clemencia Ranin.           Ang unang kabuuang bilang ng mga mag-aaral ay apatnapu't apat...

OP#3

"Titser Annie" Isinulat ni Rich Anne A. Magsombol           Sa isang malayong parte ng Bansud, Oriental Mindoro matatagpuan ang Sitio Labo Elementary School. Mga katutubong Mangyan ang naninirahan dito. Bago marating ang lugar na ito ay kinakailangang tumawid sa labing-anim na ilog. Wala ring kuryente sa lugar na ito ay ang tubig ay iniigib lamang mula sa mga kalapit na ilog.           Si Annie Masongsong, isang guro na nagturo ng labing-apat na taon sa pribadong paaralan, ang tumanggap ng trabaho na magturo sa mga Mangyan sa Sitio Labo Elementary School sa baitang 1 hanggang 3 at kinder. Kasama niya sa paglilingkod ang kapwa niya guro na si Titser Kristel na guro naman sa baitang 4 hanggang 6. Dalawang taon na ang nakalipas simula nang magturo siya sa mga bata at matatandang Mangyan. Bagamat mahirap at bibihira ang tumatanggap sa trabaho na ito, masaya niyang pinaglilingkuran ang mga Mangyan dahil sa tingin niya ay ito ang ...

OP#2

"Sampung dahilan ng kakulangan sa oras sa pagtapos ng mga gawain ng 80 mag-aaral ng Cavite National Science High School (CNSHS) T.P. 2015-2016"             Isang malaking problema ngayon ng mga tao ang pagkagahol sa oras sa paggawa o 'pagka-cram'. Ito ay unti-unti nang kinasanayan ng mga estudyante kaya nahihirapan silang magpasa sa oras na itinakda ng guro. Ang pananaliksik na ito ay nagpokus sa pagtukoy ng mga dahilan kung bakit nagkukulang sa oras sa pagtapos ng mga gawain ang mga estudyante.              Walumpung (80) estudyante ang napili ng mga mananaliksik upang maging respondente. Ang mga mag-aaral mula sa baitang 7-10 ay nagsagot ng mga sarbey na ito upang makuha ang kinakailangang datos. Ang mga sagot na nakuha ay inalisa gamit ang 'item analysis' na isang istatistikal na pamamaraan.              Lumabas sa resulta ng pananaliksik na ang mga pangunahing dahilan ng ...

OP#1

"Ang pagsulat ay umiinog sa mga paksa, tema, o mga tanong na bibigyang-kasagutan ng mga mag-aaral sa kanyang sulatin depende sa kanyang kaligiran, interes, at pananaw."           Ang pagsulat ay maihahalintulad sa pag-ikot ng ating mundo sa nag-iisang araw. Gaya ng rebolusyon ng ating mundo, ang ating sulatin ay dapat umiikot lang din sa iisang paksa na may sariling tema at sumasagot sa mga katanungan na naaayon sa kanyang kaligiran, interes at pananaw. Ang nag-iisang paksa na ito ang tatalakayin ng mag-aaral sa buong sulatin nang hindi sumasalungat sa tema at hindi nag-iiwan ng mga natitirang katanungan sa mga mambabasa.             Bawat isa ay may kanya-kanyang estilo sa pagsulat. Walang sulatin ang eksaktong katulad ng iba sapagkat naiiba ang mga ito sa paksa, tema at mga katanungang nais sagutin ng mag-aaral. Ngunit sa kabila nito, mahalaga pa rin na ang isang sulatin ay nakapokus lamang sa iisang paksa. Bakit? Ito ay ...

OP#6: "Mga Karanasang Di Malilimutan"

Isinulat ni Demi Lacar Natapos na ang taon ngunit ano nga ba ang ating naranasan? Lahat ng tao sa mundong ibabaw ay may karanasang di malilimutan. Mga karanasang nagdulot sayo ng kasiyaha, kalungkutan, pighati at kabiguan. Mga salitang kay daling sambitin ngunit kay hirap dalhin. Ano nga ba ang mga karansang di malilimutan? Ako? Isa lamang akong tao. Taong maraming kwento . Puno ng emosyon at tila masasayang alalaala na ngayo’y naglaho na parang bula, Hipan mo lang ay wala na. Isang araw dumating ang kalbaryo. Di alam kung anong gagawin pinagtabuyan na para bang walang pinagsamahan na mistulang sarili mong ama ika'y pag tabuyan! Oo masakit! Masakit dahil yung akala mong tao na nandyan sayo ay wala na. Ama? Bakit?! Ano ang aking nagawa at kung pagtabuyan mo ako ay wala lang. Pero masaya ako ama. Masaya ako dahil may nakasama akong isang tao nung panahong ako’y walang wala na. Isang taong nagbigay ngiti noong panahong ako’y bibigay na. Siya ang nagpunan n...

OP#6: "Pa, Hindi Mo Na Ba Talaga Naaalala?"

Isinulat ni Karinna Abueg Tatay, Itay, Ama, Daddy, Papa O kung ano mang tawag pa Pa, hindi mo na ba naaalala? Noong ako'y bata pa? Sa bisig mo ako'y iyong karga-karga Ni minsan hindi tayo nawalay sa isa't isa Sa mga yakap mo ako'y kuntento na Noong mga panahong iyon, wala na akong mahihiling pa Pa, naaalala mo pa ba? Noong ako'y bata pa Bago matulog, lagi mo akong kinukwentuhan na May kasamang kiliti at aksyon pa Pa, naaalala mo pa ba? Noong ako'y bata pa Sabi mo sakin ay wag akong dudumi sa aking salawal Ngunit ginawa ko pa rin dahil iyong pinagbawal Pa, naaalala mo pa ba? Noong ako'y bata pa Ika'y nagagalit sa tuwing may nagpapaiyak sakin Pero pa, anong nangyari? Nang dahil sa masamang bisyo Tila ba ang pagiging ama ay nakalimutan mo Sarili mong pamilya tinalikuran mo Sarili mong pamilya sinira mo Nang dahil sa masamang bisyo Hindi mo alam na isa ako sa mga sobrang apektado Apektado ak...

OP#6: "Ginto"

Isinulat ni Lara Mae De Laiva Isang araw, may mga nagluluhang matang Tila naghahanap ng kalinga. Naghahangad ng isang kamay At yayakap sa panahong nalulumbay. Sa pagmulat ng mga matang ito Nawala ako sa mundong pagkalito. Ina at ama kung ituring nila ito, Ngunit maituturing kong isang ginto. Mga gabing sa salas dinatnan ng antok , Ngunit sa paggising ay nakahimlay sa malambot na kutyon. Mga regalong natatanggap tuwing kaarawan, Na tila’y hindi hinahangad makamtan. Mga halik na walang katumbas, Mga bating nagbibigay lakas, At mga haplos na nagbibigay ng malalim na aruga. Ito ang salitang naitago noong bata pa, SALAMAT!, ngunit hindi makita kung nasaan ang tapang. Tapang na hindi malaman kung saan huhugot ng lakas, Para ang salitang “mahal kita” ay mabalangkas. Ito ang mga katagang hindi masalita, Na sa aking pananaw ako’y walang kwenta. Pero sa inyong mga mata ako’y napakagandang biyaya, Na parang isang kumikinang na prinsesa. ...