OP#6: "Ginto"

Isinulat ni Lara Mae De Laiva

Isang araw, may mga nagluluhang matang
Tila naghahanap ng kalinga.
Naghahangad ng isang kamay
At yayakap sa panahong nalulumbay.

Sa pagmulat ng mga matang ito
Nawala ako sa mundong pagkalito.
Ina at ama kung ituring nila ito,
Ngunit maituturing kong isang ginto.

Mga gabing sa salas dinatnan ng antok ,
Ngunit sa paggising ay nakahimlay sa malambot na kutyon.
Mga regalong natatanggap tuwing kaarawan,
Na tila’y hindi hinahangad makamtan.

Mga halik na walang katumbas,
Mga bating nagbibigay lakas,
At mga haplos na nagbibigay ng malalim na aruga.

Ito ang salitang naitago noong bata pa,
SALAMAT!, ngunit hindi makita kung nasaan ang tapang.
Tapang na hindi malaman kung saan huhugot ng lakas,
Para ang salitang “mahal kita” ay mabalangkas.
Ito ang mga katagang hindi masalita,
Na sa aking pananaw ako’y walang kwenta.
Pero sa inyong mga mata ako’y napakagandang biyaya,
Na parang isang kumikinang na prinsesa.

Ano pa nga bang hihilingin ko?
Ano pa nga bang tatanawin ko?
Paano pa ang aking pagkatao kung wala kayo?
Kung sa pagmahahal pa lang solve na solve na ako
Na sa tuwing kayo ang kasama ko, mundo ko’y buong buo.

Wala nang hahanapin pa kundi kayo at kayo lang,
Na kahit anong ipalit hinding hindi kayo iiwan.
Ma , Pa salamat, hindi ko man mabalangkas na mahal ko kayo,
Ngunit sa aking puso’t isip kayo ang aking GINTO.
Gintong hindi matatawaran ang halaga.

Comments

Popular posts from this blog

Finals: Sulatin Blg. 3

Sulatin Blg. 3

OP#2: Deskriptibong Pananaliksik