Finals: Sulatin Blg. 3

Suriin Mo Na:

1. Ano ang pagkakaiba ng larawang-sanaysay sa isang tradisyonal na sanaysay?
2. Bakit mahalagang sangkap ang mga larawan sa paggawa ng pictorial essay?
3. Ano-ano ang layunin ng pictorial essay?
4. Paano makatutulong ang pictorial essay na malinang ang pagiging malikhain ng mag-aaral na tulad mo?
5. Bakit mahalagang ang paksa ng iyong pictorial essay ay nakabatay sa iyong interes?

Mga Sagot:
1. Ang pagkakaiba ng larawang-sanaysay sa isang tradisyonal na sanaysay ay naglalaman ito ng larawan na maaaring gamitin na sa mismong sanaysay o maaari ring magkaroon ng caption. Samantalang ang tradisyonal na sanaysay naman ay hindi nilalakipan ng larawan ngunit maaari ring lagyan ng litrato kasama ang panimula, katawan at wakas nito.
2. Mahalagang sangkap ang mga larawan sa paggawa ng pictorial essay dahil ito ang paksa o tinatalakay ng sanaysay. Dito nakadepende ang takbo ng pangyayari sa teksto dahil dito makukuha ang aliw at mahalagang impormayson na tatalakayin sa photo essay.
3. Ang mga layunin ng pictorial essay ay makapagbigay ng kasiyahan o aliw sa manunulat, makapagbigay ng mahalagang impormasyon sa mambabasa at malinang ang pagiging malikhain.
4. Makatutulong ang pictorial essay na malinang ang pagiging malikhain ng mag-aaral na katulad ko dahil napalalawak nito ang imahinasyon ko na mag-isip ng mga pangyayari at istorya tungkol sa mga larawan. 
5. Mahalagang ang paksa ng pictorial essay ay nakabatay sa aking interes upang mas marami akong maisulat dito dahil alam ko ito. Kapag nakabatay sa aking interes ang aking isinusulat ay mas gagana ang aking pagkamalikhain at imahinasyon sa aking sanaysay. Ito ay mas magiging makabuluhan at puno ng impormasyon.
- Magsombol


Suriin Mo Na:

1. Ang larawang sanaysay ay kinakailangan ng isang sapat na larawan upang makagawa ng isang sanaysay na dapat may tamang kronolohikal na ayos sa nangyari sa paglalakbay ng iyong larawan. Samakatuwid ang tradisyonal na sanaysay ay base lamang sa sariling pamamaraan sa kung paano mo ito isasaysay o pagkakasunod-sunod.
2. Sapagkat dito iikot ang iyong ilalahad na pangyayari, ito ang iyong magiging paksa upang makabuo ng isang sanaysay o kwento. At kayang mas mapagtibay o mapalawak ang pansariling kaalaman sa tuwing titignan ang larawan na iyong napili o larawang nakalatag.
3. Ang layunin ng isang pictorial essay ay ang makapagbigay-aliw o gana ang manunulat sa paggawa ng sanaysay at mapakita ang mapaglarong isipan na maaari ring makapag-aliw sa mga mambabasa. At malinang ang pagiging malawak at malikhain na pag-iisip ng manunulat.
4. Sa pagtingin sa larawan ay nalilinang ang malarong pag-iisip ng isang tao kung ano ang kanilang pansariling pagkakaintindi sa larawang nakasaad. At sa pamamagitan ng pictorial essay ay nakikita mo sa iyong sarili kung paano mo palawakin ang isang litrato sa malalim na salitain na maaaring maging mensahe sa sariling buhay.
5. Mahalaga ang paksang iyong gagawan ay batay sa iyong interes sapagkat sa litrato o larawang iyong inilalahad ay kaya mong palawakin ang isang patay na larawan sa isang buhay na impormasyon na maaari pang maging motibasyon o inspirasyon mo sa sarili mong buhay at buhay ng ibang tao. At sa pamamagitan ng sariling interes ay kaya mong mas palawakin ang isang litrato lamang sa makulay na pamamaraan at mas malalim na kahulugan.
- De Laiva


 Suriin Mo Na:

1. Ang larawang sanaysay ay ginagamitan ng mga litrato at maaari itong gamitan ng mga maiikling caption na maaaring makapagbigay-aliw sa pamamagitan ng pagbasa ng mga maiikling detalye habang tinititigan ang mga larawang nakapaloob dito. Ang tradisyonal na sanaysay naman ay ang pagsasalaysay ng mas mahaba at mas nangangailangan ng mas malalalim na pagpapaliwanag.
2. Dapat makapagbigay-diin sa mambabasa at magbigay ng mahahalagang impormasyon at malinang ang pagiging malikhain. Naisasalaysay ng maayos sa pagsunod at pagbase sa larawan.
3. Layunin nitong makapagbigay ng impormasyon at aliw sa mga mambabasa. Maaari rin itong makapanghikayat.
4. Kung paano mapapag-ugnay-ugnay ang mga larawan at ideyang naiisip.
5. Para hindi ka tamaring gawin ang pictorial essay at mas maayos mong maisagawa ang pagsulat nito. Kung interesado ka, maibibigay mo ang lahat ng makakaya mo para sa iyong sulatin at para na rin sa iyong mambabasa at pa na rin sa iyong sarili. Sa pamamagitan nito, makakapaggawa ka ng maayos na pictorial essay base na rin sa iyong interes.
-Abueg

Suriin Mo Na:

1.  Ang pagkakaiba ng larawang  sanaysay sa tradisyonal na sanaysay ay patungkol sa ating  mga ginagawa at ang tradisyonal na sanaysay ay patungkol sa ating mga rehiyon, paniniwala at iba pa.
2. Dahil sa paggawa ng pictorial essay mahalagang sangkap ang larawan dahil dito iikot ang iyong magiging paksa at ang larawan ay mahalagang kagamitan upang mas mapadali ang pagkaunawa ng mga mambabasa.
3. Layunin nitong magbigay ng kasiyahan o aliw sa taong ginagawa ng salaysay, magbigay ng mahahalagang impormasyon at malinang ang pagiging malikhain.
4. Makakatulong ito upang maging  mahusay ang mga estudyante at makakatulong ito upang mapag-ugnay niya ang mga larawan.
5. Upang mas mapahayag ng mas mabuti ang pictorial essay na ginagawa.
- Soro, Reinalene

Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

Sulatin Blg. 3

OP # 1: “Isang natatanging karanasan bilang mag-aaral”