Sulatin Blg. 3
Talumpati: Ako ay Pilipino
1. Ang kahulugan ng talumpati para sa akin ay isang pagsasalita na tumatalakay sa isang paksa at ito'y may pormal na tuntuning sinusunod. Ito rin ay itinatanghal ng may malalim na pag-iisip at ang isyung tinatalakay dito ay may kaugnayan sa mga problema sa lipunan.
2. Ang mga mahahalagang salik na dapat bigyang-diin sa pagsulat ng talumpati ay ang mga tagapakinig kung ito ba ay magiging kawili-wili sa kanila, kabuluhan ng paksang tatalakayin at ang wikang gagamitin upang maintindihan ito ng tagapakinig.
3. Mahalagang isaalang-alang ang mga tagapakinig sa pagtatalumpati dahil sila ang ating hinihikayat o binibigyang-impormasyon sa pagsasalita. Kung hindi sila isasaalang-alang, maaring hindi nila maintindihan ang talumpati at mabalewala ang pagtatanghal.
4. Ito ay isang isinaulong talumpati ng panghihikayat.
5. Masisiguro ito ng mananalumpati kung napatahimik niya ang mga tagapakinig at binibigyan siya ng mga ito ng tingin ng pagnanais matuo o makinig. Hindi sila gumagawa ng kahit na ano at sa halip ay buong konsentrasyon ng atensyon ang kanilang ibinibigay.
Spoken Poetry: Engkwentro
1. Ang kahulugan ng spoken poetry para sa akin ay isang impromptung pagtatanghal tungkol sa naisipang paksa na maaaring maging pormal o impormal.
2. Ang mahahalagang salik na dapat bigyang-diin sa spoken poetry ay ang tagapakinig na manonood at makikinig sa pagtatanghal at ang kawilihan ng paksang tatalakayin sa kanila.
3. Mahalagang isaalang-alang ang mga tagapakinig sa spoken poetry dahil sila ang inaaliw o hinihimok ng pagsasalita at sila ang makikinabang dito.
4. Ito ay isang impromptung spoken poetry na may layuning magbahagi o magbigay inspirasyon sa tagapakinig.
5. Masisiguro ito ng isang magbibigay ng spoken poetry kung sa kanya lamang nakatuon ang buong atensyon ng mga tagapakinig at wala silang ibang ginagawa pa.
- Magsombol
Pagsusuri ng Talumpati
1. Para sa akin, ang kahulugan ng
talumpati ay malawak na pagsasanaysay na maaaring makapanghikayat ng mga
makikinig. Ito ay nakakapagpaunawa sa nais iparating. Ito rin ay nagtataglay ng
dunong sa pagbibigkas at may paninindigan.
2. Ang mahalagang salik na dapat
na dapat bigyang-diin sa pagsulat ng isang talumpati ay dokumento.
3. Mahalagang isaalang-alang ang
mga taga-pakinig sa pagtatalumpati dahil dito maibabahagi mo ang nais mong
iparating. Ang mananalumpati ay maaaring makahikayat at sa pamamagitan ng mga
tagapakinig ay malalaman kung epektibo ba ang iyong piyesa.
4. Ang uri ng talumpating aming
pinanuod ay isinaulong talumpati.
5. Masisiguro ng isang
mananalumpati na napukaw niya ang damdamin ng kanyang mga tagapakinig kapag
nagbago ang ekspresyon ng mukha ng kanyang mga tagapakinig. At kapag ang mga
ito ay tumatango o nagbibigay ng mga komento habang nakikinig.
Pagsusuri ng Spoken Poetry
1. Ang kahulugan ng spoken poetry
para sa akin ay ma-emosyong paraan ng pagsasalita. Ito ay nakakapukaw ng
damdamin ng mga makikinig. Ang spoken poetry ay pagbibigay-diin sa nararamdaman
sa pamamagitan ng malikhaing paraan ng pagsasalita.
2. Ang mahalagang salik na dapat
bigyang-diin sa pagsulat ng talumpati ay ang 'experience'.
3. Mahalagang isaalang-alang ang
mga tagapakinig sa pagtatalumpati dahil dito ay maibabahagi mo ang iyong nararamdaman.
At makakapagbigay rin ng inspirasyon sa mga taong nakakaranas ng tema ng iyong
tula.
4. Ang uri ng spoken poetry na
aming pinanuod ay maaaring impromptu o isinaulo.
5. Masisiguro na napukaw ng
tagapagsalita ang mga tagapakinig kapag nagbago ang ekspresyon ng mukha ng mga
tagapakinig. Maaaring ang mga ito ay nakaramdaman ng lungkot, saya o galit.
- Abueg
Talumpati:
1. Ayon sa aking napanuod ang
talumpati ay nagbibigay hikayat sa manonood at nagbibigay mensahe ukol sa
kanyang nais ipahiwatig.
2. Ang mga mahalagang salik ay
yung pagbibigay mensahe niyang mangyari o iparating sa mga tagapakinig at kung
magaganda ang kanyang ipinahiwatig ay may saysay ito.
3. Dahil sila ay magsasabi kung
ano ang kanilang hatol sa talumpating sinasambit.
4. Ito ay sinaulong talamputi
dahil base sa aking napanood ay ito’y kanya munang isinulat, binasa at pinag-aralan
tsaka sinaulo bago niya ito ipinaliwanag o ipinahiwatig sa mga tagapakinig.
5. Base ito sa kung paano niya
gagalingan sa pagsasalita at habang ito ay isinasagawa dapat ito ay may
damdaming ating isinasalin.
Spoken Poetry:
1. Sa spoken poetry na ito ay
sinasabi nya kung ano ang nais ipahiwatig ng taos-pusong sasambitin.
2. Dapat ito ay may puso at hindi
lang puro isip na dapat ding damhin upang mas bigyang hikayat ang tagapakinig.
3. Dahil sila ay magbibigay hatol
o komento tungkol sa mga kanyang ipinahiwatig.
4. Persuweysib dahil kanyang hinihikayat ang kanyang tagapakinig na
sumunod at gawin ang nais ng Diyos para sa atin.
5. Dapat ang lahat ng bagay ay
isinasapuso at tulad ng aking napanood, damang dama niya ang kanyang mensahe at
pinaparamdam sa mga tagapakinig.
- Lacar
Pagsusuri sa
Talumpati:
1. Ang talumpati
ay isang pamamaraan ng paglalahad o kuwento ng isang paksa sa malikhaing
pamamaraan na dapat magbigay o mapukaw ang atensyon nang manonood upang mamulat
sila sa mga bagay na dapat punan.
2. Ang dapat mabigyang-diin
ay ang aral o impormasyon na gusto mong ilahad o iparating sa bawat mamayan. At
tila dapat may iilang salitain na makakapagbigay nang aliw sa mga tagapakinig
na nararapat mapansin o mas isabuhay ang talumpating iyong nilalahad.
3. Kung kaya’t
dapat may taong nakikinig sapagkat dito masusulat kung gaano ka kagaling para
manghikayat na makinig sayo kahit ba ang kontento ng iyong talumpati ay hindi
gaanong kawili-wili ngunit ang iyong pansin ay napukaw sapagkat sa pamamaraan
mo ng paglalahad ay kawili-wili nang pakinggan.
4. Ang talumpati
ay isang uri ng isinaulong talumpati, sapagkat ito’y isinasalita lamang na
gamit ang mga bibig at kamay lamang at ito’y isasalita na lamang sa pamamaraan
na iyong gusto na lamang.
5. Kapag
naalarma ang mga tagapakinig at tila sila’y interesadong interesado sa iyong
mga binibigkas. Lalo na’t sila’y napukaw at sa kanilang isipan ay inilagay ang
kanilang mga sarili sa sitwasyon na iyon.
Pagsusuri sa
Spoken Poetry:
1. Ang spoken
poetry ay isang bigkasan o paglalahad na naihahalintulad sa ating mga karanasan
at opinyon sa isang paksang nilalahad.
2. Na dapat
mapukaw ang damdamin nang mga tagapikinig na tila’y sila ay relate na relate sa
paksang nilalahad.
3. Kung kaya’t
dapat makuha ang atensyon at damdamin ng bawat tagapakinig.
4. Ang spoken
poetry o impromptu ay isinaulo rin tulad ng talumpating unang napanood na sa
pamamaraan ng salita lamang din dapat mapukaw ang atensyon.
5. Sa pamamaraan
nang dapat naisasabuhay o relate din ang mga tagapakinig sa mga salitang binibigkas
na tila ang karamihan sa tagapakinig ay ang mga kabataan.
- De Laiva
Pagsusuri ng Talumpati:
1. Batay sa aking napanood ang
bawat isa sa kanila ay binibigyan nila ito ng diin kung ano ang kanilang paksa
at sila ay nanghihikayat ng kanilang mga tagapakinig.
2. Kailangan bigyan-diin kung ano
ang paksa at kailangan bigyan ito ng mga impormasyon base sa kanilang paksa.
3. Base sa aking napanood ang
tagapakinig ang magsasabi o magiging hurado batay sa kanilang mga paksa.
4. Base sa aking napanood sila ay
nagtatalumpati ng pasaulo o tinatawag na isinaulong talumpati.
5. Kailangan ang iyong magiging paksa
ay iyong mga naranasan o naramdaman mo at ng iyong mga tagapakinig upang sila
ay makarelate sa iyong tinatalumpati.
Malalaman din na napupukaw mo na ang damdamin ng mga tagapakinig kung
sila ay nakikinig sa iyo.
Pagsusuri ng Spoken Poetry:
1. Ang spoken poetry ay isang nagpapahayag
kung ano ang iyong mga nararanasan o nararamdaman.
2. Sa pagsulat ng spoken poetry
kinakailangan din itong bigyang-diin kung tungkol saan ang iyong itatalumpati.
3. Kailangan isaalang-alang ang
iyong mga tagapakinig dahil sila ang bibigyan mo ng impormasyon tungkol sa
iyong talumpati.
4. Ang kanilang ginagawa ay impromptu.
5. Kapag ang kanilang tagapakinig
ay interesado sa iyong paksa at kapag sila ay nakakarelate.
- Soro, Reinalene
Comments
Post a Comment