OP#5

"Bionote"

           Si Rich Anne A. Magsombol ay nagmula sa bayan ng Tanza, Cavite, siya ay kasalukuyang nasa ika-12 baitang sa Saint Augustine School- Senior High School. Siya ay isa sa mga "Gold Awardee" noong baitang 11 at nanalo rin siya sa patimpalak ng "Music Writing and Singing Contest" nang taong ding iyon. Siya ay nagtapos bilang 3rd Honor noong siya ay nasa Junior High School. Nagkamit din siya ng parangal bilang ikatlong pinakamahusay na mga mananaliksik sa kanilang "School-based Science Research Fair".

             Siya ang panganay na anak nina Anna Marie A. Magsombol at Richard V. Magsombol, na pinapangarap na maging isang "Certified Public Accountant" sa hinaharap. Siya ay may kawilihan sa asignaturang "Accounting" at Ingles at kinahihiligan niyang magbasa ng mga libro, manood ng mga pelikula at magsulat ng mga tula. Siya ay may angking galing sa pagsulat ng mga kanta at tula at maging sa pagkanta.  


"Bionote"

               Si Laramae V. De Laiva ay lumaki sa Julugan Tanza, Cavite, siya ay kasalukuyang nag-aaral ng baiting 12 sa Saint Augustine Senior High School. Siya ay labing pitong taon gulang na naghahangad ng kursong Bachelor Science of Accountancy. Siya ay naging parte rin ng isang organisayon ng kanyang kasalukuyang eskwelahan bilang isang ABM Representative. Siya ay nasa pangangalaga ng kanyang sariling magulang na nagngangalang Jannet V. De Laiva na kung sino ang nagbigay ng maayos at magandang pagpapaanak at ang taong sumusuporta naman ay nagngangalang Luzvimindo F. De Laiva Jr. Siya rin ay mahilig sumayaw at mahilig manood ng mga panginternasyonal na palabas.


"Bionote"

Si Karinna Jean L. Abueg ay ipinanganak noong Hunyo 18, 1999 sa bayan ng Cavite City. Siya ay kasalukuyang nakatira sa 30 J.P Rizal Street Kanluran Rosario, Cavite kasama ang magulang na sina Ma. Jeannie A. Lomat at Rogelio C. Abueg. Siya ay kasalukuyang nasa ika-12 baitang sa Saint Augustine School - Senior High Tanza, Cavite na nag-aaral ng Accountancy, Business and Management na may pinanghahawakang 'Bronze Award'. Natapos din niya ang kanyang sekondaryang lebel sa Rosario National High School sa Rosario, Cavite na nananatiling nasa mataas na seksyon sa loob ng 4 na taon.

Kinawiwilihan niyang mga asignatura ang mga Entrepreneurship, Applied Economics at English. Siya rin ay may mga kinahihiligang gawin gaya ng panunuod ng K-Drama at 'fangirling' sa K-Pop. Mayroon din siyang natatanging kasanayan katulad ng pagsasayaw.

Sa kasalukuyan, pinapangarap niyang maging propesyon ang BS Accountancy at makapagtrabaho sa kumpanya.


"Bionote"

Si Reinalene Soro ay nakapagtapos na ng elementarya sa Julugan Elemtary School at nakapagtapos na rin siya ng High School sa Tanza National Comprehensive High School. Siya ay tiga-Rosario, Cavite. Siya ay may natanggap na award noong siya ay highschool. Ang kanyang parangal ay nag-umpisa sa dalawang gintong medalya at isang pilak sa naganap na intrams sa tanza high. At nagtuloy-tuloy ang kanyang mga nakuhang parangal noong siya ay high school pa. Halos naka-labing apat na gintong medalya, apat  na pilak at tatlong bronze sa larong Athletics, sa taong 2014-2016. Siya ngayon ay  nasa  gradong  12 at siya ay patuloy na nag-aaral at nangangarap na maging  isang mabuting negosyante ng Bangko at iba pang kompanya. Ang hilig niya ay kumain, maglaro ng Monopoly Deal at maglaro ng Volleyball at Basketball. At siya ay tumutulong sa kanyang magulang upang mas mapadali ang gawain sa bahay.

"Bionote"

Si Demie Mur Lacar ay ipinanganak noong Marso 16,2000 sa lungsod ng General Trias Hospital at nakatira sa 107 Barangay Bucal Tanza, Cavite. Siya ay nasa edad 17 at nag-aaral sa Saint Augustine School Senior High School na may Gradong 12 at kinuha niya ang strand na Accountancy, Business and Management dahil nandito and gusto niyang makuhang kurso pagdating ng kolehiyo na Culinary arts o di kaya magtatayo ng sariling business. At ang mga asignaturang kanyang kinawiwilihan ay ang Entrepreneurship, Physical Education, at Media and Information Literacy  at ang kanyang mga kinahihiligang gawin ay ang pagsasayaw at pagguguhit ng mga bagay-bagay na kanyang nakikita.

Siya ay nakatanggap ng karangalan noong siya'y nasa baitang 5 at siya ay nakakuha ng top 5.

Comments

Popular posts from this blog

Finals: Sulatin Blg. 3

Sulatin Blg. 3

OP # 1: “Isang natatanging karanasan bilang mag-aaral”