OP# 6: "Ina"

Simula ng ako'y iyong isinilang, isang taon mo kong  inalagaan, isang taon mo kong  pinagsilbihan ngunit ng ako ay isang taon pa lamang ay lumisan kana.

Noon hindi  ko lubos malaman kung bakit ang pamilya natin ay nasira. Hindi ko rin  alam  kung ika'y makakapiling pa. Lubos kong  hinahanap ang pagmamahal ng aking sariling ina.

Ang araw ay dumating at muli kang nakasama, halos pitong taon kang  inantay nalaman ko na ikaw ay lumisan upang ibigay ang aming  pangangailangan.

Ngunit umalis kang  muli  upang harapin ang mga pagsubok na iyong tatahakin para maibigay ang aming  pangangailangan.

Kaya mo bang ibigay ang mga responsibilidad mo samin o itong  iyong tatakasan at kami'y aabandonahin. Sa umpisa pa lamang ay nananabik na kami sa iyong mahihigpit na yakap at matatamis mong halik na aming  minimithi at pinapangarap.


Ngayon ay nakapiling kana wala na kong  sasayangin na  oras upang ikaw ay mapasaya. Muli  ko ulit naramdaman ang pagmamahal ng aking  Ina. Ina maraming salamat sa iyong pagbabalik.

Comments

Popular posts from this blog

Finals: Sulatin Blg. 3

Sulatin Blg. 3

OP # 1: “Isang natatanging karanasan bilang mag-aaral”