OP#3
"Titser Annie"
Isinulat ni Rich Anne A. Magsombol
Sa isang malayong parte ng Bansud, Oriental Mindoro matatagpuan ang Sitio Labo Elementary School. Mga katutubong Mangyan ang naninirahan dito. Bago marating ang lugar na ito ay kinakailangang tumawid sa labing-anim na ilog. Wala ring kuryente sa lugar na ito ay ang tubig ay iniigib lamang mula sa mga kalapit na ilog.
Si Annie Masongsong, isang guro na nagturo ng labing-apat na taon sa pribadong paaralan, ang tumanggap ng trabaho na magturo sa mga Mangyan sa Sitio Labo Elementary School sa baitang 1 hanggang 3 at kinder. Kasama niya sa paglilingkod ang kapwa niya guro na si Titser Kristel na guro naman sa baitang 4 hanggang 6. Dalawang taon na ang nakalipas simula nang magturo siya sa mga bata at matatandang Mangyan. Bagamat mahirap at bibihira ang tumatanggap sa trabaho na ito, masaya niyang pinaglilingkuran ang mga Mangyan dahil sa tingin niya ay ito ang tawag sa kanya ng Panginoon. Habang tumatagal siya sa lugar na ito ay napamahal siya sa mga tao at humanga siya sa kanilang pagbibigayan.
Ayon kay Lea Baldo, isang estudyante ni Titser Annie sa kanyang "Adult Literacy Class" ay nais niyang mag-aral magbasa at magsulat upang hindi siya maloko ng mga tao sa pamilihan. Pagtapos nito ay sinabi rin ni Dina Mantaring, pinakamatandang estudyante ni Titser Annie sa kinder, na nais niyang mag-aral upang siya'y matuto. Bagamat noong una ay nalayo sila kay Titser Annie dahil takot sila sa dayuhan, ay naging komportable rin sila nang tumagal dahil sa angking tiyaga at malasakit ng guro.
Habang mas tumatagal silang magkakasama, nadiskubre ni Titser Annie na tatlong beses lamang pumapasok si Dina sa eskwelahan. Dahil dito, pinuntahan ni Kara David ang bahay ni Dina at nadiskubre niya na may sakit ang nanay nito na si Bilma Mantaring. Dalawang taon nang may sakit na 'Pneumonia' ang kanyang ina. Tatlong araw lamang siyang pumapasok upang magtrabaho sa sagingan.
Isang araw ay nagtungo si Dina at Kara sa sagingan upang manguha ng saging. Pagtapos ng pangunguha ng saging ay naglakbay sila ng dalawang oras upang marating ang lugar na tinatawag na 'Kamalig' o ang bentahan ng saging. Si Dina ay kumita ng P144 lamang. Ngunit sa kabila nito, masaya siyang nagtungo sa botika upang bumili ng gamot. Ang abot lamang ng perang hawak niya ay dalawang 'anti-biotics'.
Dumating ang araw na tapos na ang kontrata ni Titser Annie sa paaralan. Siya ay binigyan ng pagkakataong lumipat sa Villa Pag-asa Elementary School. Pero sa kabila ng magandang oportunidad, pinili ni Titser Annie na manatili kasama ang mga Mangyan. Ito ay dahil sa kanyang paniniwala na ang pagtuturo ay hindi lamang sa apat na sulok ng klasrum at sa halip ay maging sa labas na pamumuhay nila.
"Titser Annie"
Isinulat ni Reinalene Soro
Si Titser Annie
ay isang guro sa bayan ng Labo. Linggo-linggo nilalakad ni Titser Annie at
Titser Cristel papasok sa kanilang paaralan upang magturo sa mga mamamayan ng Labo.
Delikado ang daan dahil ito ay liblib na lugar, malayo at matarik ang mga daan.
Halos lahat ng kanilang nadadaaan ay puro bato at malapit sa ilog at sa tuwing
tanghali ay ubod ng init ang kanilang nilalakaran.
Nahanap ni
Titser Annie ang tawag ng tungkulin, nararamdaman ni Titser Annie ang pagiging
totoong tao dahil noong una ay nandidiri
siya sa mamamayan ng Labo at sa mga estudyante niya dahil ang kanyang mga
estudyante ay mabaho, marumi, at nakakadiri ngunit baliwala ang nilakbay niyang
labing-anim na ilog. Hindi akalain ni Titser Annie na may naninirahan pa sa
lugar ng Labo. Sa tuwing lumalaki o tumataas ang ilog inaangat ng mga taong mga
Mangyan ang kanilang mga gamit upang hindi ito mabasa.
Matapos ang anim
na oras nakita niya ang komunidad ng Labo at agad-agad siyang sinalubong ng mga
estudyangteng Mangyan. Napawi ang lahat ng pagod ni Titser Annie dahil sa mga
ngiti ng mga Mangyan. Gaano man kasalat ang buhay ng mga Mangyan ngunit dito
makikita ang pagiging isang Mkomunidad. Tuluyang napalagay ang loob ng mga
estudyangteng mangyan sa kanilang guro. Si Dina ang estudyangteng pinakamatalino
at masipag na estudyante. Pagkatapos pumasok, agad niyang nilisan ang elementarya
ng Labo dahil siya ay may gagawin pa at bababa sa kanilang komunidad upang
bumili ng gamot na Anti-biotic para sa kanyang lola na may sakit. Ito ang
kwento ni Titser Annie kasama ang mga taong Mangyan sa komunidad ng Labo.
“Titser
Annie”
Isinulat ni Lara Mae De Laiva
May isang taong hindi sanay sa
mahirap na pamumuhay ang naglalakbay ng kulang kulang isang oras para lamang
makarating sa silid-aralan ng kanyang tinuturuan. At ito’y nagngangalang Annie
na tinuturing na guro ng mga batang mangyan. Siya ay nagtuturo ng mga batang
mangyan sa baiting na kinder, grade 1 at 2.
Si Titser Annie ay nagtuturo ng
labingapat na taon sa isang pripadong eskwelahan ngunit siya’y ipinadala sa
Oriental Mindoro na kung saan doon siya’y nagtuturo sa isang pampublikong
eskwelahan. Sa kaloob looban niya ay puno siya ng takot at pandidiri sa mga batang
mangyan niyang tuturuan. Ngunit sa paglipas ng dalawang taon niyang pagtuturo
tila’y nagbago ang ihip ng hangin na siya’y pumalagi pa nang mas matagal pa sa
kanyang kinalalagyan. At sa pagtuturo niya sa mga batanag mangyan may isang
estudyanteng nangngangalang Dina na dalawmpung taon gulang na sapagkat siya’y
nasa kinder pa lamang. Napukaw ang atensyon ng mga nagdodokumentaryo ang
paglabas ni Dina sa silid-aralan habang ang klase ay hindi pa nagwawakas. Kung
kaya’y sinundang ng mga nagdodokumentaryo, kung saan siya paparoon. At
natunghayan ng bawat isa na si Dina ay tatlong araw lamang napasok sa
eskwelahan sa isang lingo sapagkat siya’y nagtatrabaho para sa kanyang ina na
may sakit na “pneumonia.” Si Dina ay nagtatrabaho sa sagingan kung saan sila
mismo ang napitas ng puno ng saging at sila ang magbubuhat. Ito’y kanyang
dinadala sa bayan na kung saan halos dalawang oras na buhat buhat lamang ang
iilang kilong saging. Sa araw na iyon ay Php 144 lamang ang kanyang nakuha ng
kung saan ibibili niya nang gamut ang kaniyang ina at ito’y hindi gamot pa
talaga sapagkat ito’y antibiotics lamang. At sa pangyayaring iyon si Titser
Anne ay nabighani at humanga sa mga taong mangyan na sa kabila nang kahirapan
sila’y nagbibigay ni ultimo isang platong kanin lamang ay paghahatian ng mga
batang mangyan sa bilang na halos dalawampu para lamang makatikim sila lahat.
Sa paglipas ng dalawang taon na
pagtuturo sa Sitio Labo ay binigyan siya ng magandang oportunidad na bumalik
muli sa kanyang pinanggalingan at sa mas mataas na posisyon. Ngunit sa kabila
nang lahat ito’y tinanggihan ni Titser Annie na kung dati siya’y takot na
takot. At sa pagtanggi sa pagkakataong iyon ay may kataga siyang iniwan na
“Mahirap man sa salapi, mayaman naman sa pagmamahal.”
“Titser Annie”
Isinulat ni Karinna Jean Abueg
Si Titser Annie
at 14 nang nagtuturo aa private school at nadestino upang magturo sa mga
Mangyan. Tinawid ng guro ang isang matarik na bundok at 16 na ilog upang
makarating sa Sityo Labo kung saan siya nagtuturo sa loob ng dalawang taon.
Habang umaakyat ng bundok ay nakasalubong niya ang mga batang inabot ng isang
linggo bago maiakyat ang mga dala-dalang libro dahil sa lakas ng agos ng tubig.
Matapos ang isang oras na paglalakad, kanila nang nasilayan ang komunidad ng
mga Mangyan. Sinalubong ng mga inosenteng ng mga batang Mangyan si Titser Annie
na nakapagpawi sa pagod nito. Sa umaga ay tinuturuan ni Titser Annie ang mga
bata mula Kinder, Grade 1 at Grade 2. Samantalang si Titser Kristen, na kasama
ni Titser Annie sa pagtuturo sa mga bata sa Sityo Labo, ay nagtuturo mulang
baitang 3 hanggang 5. At sa sa gabi naman, sila ay nagtuturo sa mga magulang at
matatanda. Sa kabila ng takot sa mga dayo, iba para sa mga katutubong Mangyan
si Titser Annie.
Isa sa mga
eatudyante ni Titser Annie ay si Dina, 20 taong gulang at kasalukuyang Kinder.
Pursigidong makapag-aral si Dina sa kabila ng kanyang pinagdadaanan. Tatlong
beses sa isang linggo kung pumasok si Dina at ginugugol ang mga natitirang araw
para tumayong ama at panganay sa kanyang pamilya. Bilang saging ang pangunahing
ikinabubuhay ng mga katutubong Mangyan, dito kumukuha si Dita ng kita upang
maibili niya ng gamot ang may sakit niyang ina. Makalipas ang dalawang oras,
siya ay kumita ng P144.00 at agad niya itong ibinili ng gamot. Ngunit dalawang
piraso lamang ang kanyang naiuwi. Tinutulungan ni Titser Annie at Titser
Kristen si Dina sa pamamagitan ng pagbibigay ng bigas at latang sardinas dahil
tumutulong din siya sa dalawang guro.
Ngunit, isang
balita ang dumating. Inabisuhan na ng DepEd si Tister na Annie na bumaba sa
kapatagan upang makapagturo ulit sa mas maayos na paaralan. Kahit walang dagdag
na sweldo, walang kuryente at tubig, ay mas pinili pa rin niyang manatili sa
Labo Elementary School upang makapagturo. Bilang guro, nais ni Titser Annie na
hindi lamang sa silid-aralan nakakulong ang pagmamalasakit. At higit sa lahat,
nais ni Titser Annie na kapag nakalipas ang 10 taon ay may maiiwan siyang
'legacy' sa mga katutubong Mangyan.
“Titser Annie”
Isinulat ni Demie Mur Lacar
May mga gurong
nagbibigay buwis para lang makatulong at magampanan ang kanilang tungkulin at
ito ay sila Titser Annie at Titser Cristel. Sila ang mga gurong nag bibigay
buwis sa mga Mangyan makapagturo lamang. Ilang oras ang kanilang tinatamo mga
pawis na nagtatagaktakan kasabay ang
init at sa huli natamo and mga ngiti ng maratimg na nila ang Sitio Labo.
Pagkadating nila doon ang kanilang mga estudyante ay tuwang-tuwa ng sila ay
makita at sila ay sinalubong. Si Titser Annie ay magtuturo sa mga kinder, grade
1,2 samantala si Titser Cristel naman ay sa Grade 3,4,5,6 sila ay nagtuturo sa loob ng 14 years sa mga
Mangyan na libre lamang. Sa loob ng klase ng kinder nakita ng mga reporter ang
isang dalagang babae na nagngangalang Dina. Si Dina ang pinakamatandang
estudyante ni Titser Annie. Ilang oras palamang ang nagdaan tumayo si Dina at
umalis ng paaralan. Sinundan ito ng mga reporters hanggang sa bahay nila at
nalamang kaya ito umuwi ay dahil sa
kanyang responsibilidad sa kanilang bahay. At ito ay ang kanyang ina na may
sakit na pulmonya at ilang beses lamang ito nakakainom ng gamot dahil sa
kakulangan ng pera pambili ng mga anti-biotics. Si Dina ang bukod tanging
naging ina at ama sa kanilang tahanan dahil matapos lumisan ng kanyang ama siya
na ang nagkayod para sa kanilang pamilya. Kumukuha siya ng saging at binebenta
ito sa bayan. Ilang pagod at hirap kasabay ang init ang kanyang tinahak
papuntang bayan para lang magbenta at kumita ng pera may pambili lang ng gamot.
Ng marating na niya ang bayan, 140 pesos lamang ang kanyang kinita at kanya
niya agad itong binili ng gamot. Kung titingnan natin nakakaiyak ang kanyang
dinanas mga pagod ang naramdaman ngunit dalawang gamot lamang ang kanyang
naibili sa kanyang kinita. Ang ikinaganda ng kwentong ito gaano pa man kahirap
and danasin, patuloy pa rin ang pagtulong na walang maririnig na kahit ano mang
reklamo.
Comments
Post a Comment