Finals: Sulatin Blg. 1

"Sulatin Blg. 1"
Isinulat ni Rich Anne A. Magsombol

Suriin Mo Na:

1. Ano ang mahalagang layuning nililinang ng pagsulat ng replektibong sanaysay?
       Ang mahahalagang layuning nililinang nito ay ang makapagbalik-tanaw sa isang pangyayari at makakuha ng aral o realisasyon mula rito.

2. Bakit kailangang gumagamit ng deskriptibong wika sa pagsulat ng replektibong sanaysay?
     Kailangang gumamit ng deskriptibong wika rito upang mailahad ng tama at detalyado ang pangyayari sa mga mambabasa at maiparamdam sa kanila ang sitwasyong tinatalakay sa replektibong sanaysay.

3. Ano-ano ang mahahalagang bagay na dapat mong tandaan sa pagsulat ng repleksiyon?
         Mahalagang tandaan na gawing kawili-wili ang panimula ng sanaysay, gumamit ng mga angkop na salita, gumamit ng magandang estilo sa pagsulat at pumili ng paksa na magiging 'relatable' sa lahat.
4. Bakit mahalagang matutuhan ang ganitong uri ng sulatin?
       Mahalgang matutuhan ang ganitong uri ng sulatin upang masanay tayo sa paglalahad ng ating opinyon at upang hindi natin makalimutan ang kahalagahan ng pagbabalik-tanaw sa nakaraan. 
              
5. Ano ang mahahlagang sangkap na dapat mayroon sa pagsulat ng replektibong sanaysay? Bakit?
     Ang mahalagang sangkap na dapat mayroon sa pagsulat ng replektibong sanaysay ay ang kahusayan sa paglalahad sa pamamaraang deskriptibo. Ito ay dahil kung taglay ito ng sanaysay, mapupukaw agad ang atensyon ng mga mambabasa at maipararamdam sa kanila ang damdamin sa pangyayari sa sulatin. 


"Sulatin Blg. 1"
Isinulat ni Lara Mae De Laiva

Suriin Mo Na:

1. Layunin ng isang replektibong sanaysay ang makapagbatid ng pormal o di pormal na pansariling karanasan na maaaring makapagbigay ng aral sa mga mambabasa. At makapagkwento at makapanghikayat ng ibang tao na mapuntahan din ang lugar na iyong napuntahan at maranasan din ang mga bagay na iyong hindi nakalimutan sa lugar na iyon.
2. Mahalagang gumamit ng deskriptibong wika upang mas mailarawan pa ng malinaw sa isip nang isang mambabasa ang gustong iparating ng pagsasanaysay ng manunulat. Dito rin makikita o malilinawan sa sariling mga pag-iisip ang senaryong nailahad o inilahad.
3. Ang unang mahalagang bagay na dapat isaalang-alang sa isang repleksiyon ay ang magiging totoo sa sinasaysay na impormasyon. Dapat rin isinasagawa ang pagpapaksa sa pangkaraniwang isyu at anyo sa pansariling karanasan. Kung kaya’t mailahad nang mas mapagdamdamin at may leksyon na maaaring makuha.
4. Para mailahad sa pamamagitan ng pagsulat ang iyong totoong karanasan sa buhay o pagkukuwento ng karanasan. At kung gayon ay mabalik-tanaw mo ang mga bagay na maaaring makapagbigay nang leksyon sayo sa mga dadaan na panahon pa.


5. Isa sa mga mahalagang bagay sa pagsulat nito ay ang pagiging totoo na walang halong pagkukunwari sa gagawing sulatin. At ang pangalawa ay ang totoong pangyayari at naranasan mo na ang pangyayaring yon upang mailabas o maikuwento mo ang saloobin mo nang maayos sa pangyayaring iyon.


"Sulatin Blg.1"
Isinulat ni Karinna Abueg

Suriin Mo Na:

1. Ang mahalagang layuning nililinang ng pagsulat ng replektibong sanaysay ay ang makapagsulat sa pamamagitan ng pagkakaroon ng pagbabalik tanaw sa iyong mga karanasan at ang mapagtanto ang mga nangyari noon na may kaakibat na leksyong natutunan.
2. Mahalagang gumamit ng deskriptibong wika sa pagsulat ng replektibong sanaysay dahil ito ay nagtataglay ng pagbuo ng kaalaman patungkol sa pagkatao, lipunan, at isyu. At mas malinaw na maipapahayag ang mga nais sabihin dahil na rin detalyado ang pagsasalaysay ng mga bawat punto.
3. Ang mahalagang bagay na dapat tandaan sa pagsulat ng replektibong sanaysay ay marapat na malinaw ang pagkakasalaysay at purong katotohanan ang nilalaman nito. Pagpapakatotoo sa iyong nararamdaman at sa kung anong nilalaman ng iyong kalooban at bukal sa loob mong ibabahagi ang mga ito.
4. Mahalagang matutunan ang ganitong uri ng sulatin upang mas malinang pa ang kakayahan mong gumawa ng repleksyon at makapagbigay aral na rin sa iba.
5. Dapat mayroong malalim na pagrereplek para mas maayos na maisalaysay ang mga nais iparating.

"Sulatin Blg.1"
Isinulat ni Reinalene Soro

Suriin Mo Na:

1. Para sa akin ang mahalagang layuning nililinang ng pagsulat ng replektibong sanaysay ay ang pagkakasunod-sunod ng mga impormasyon base sa opinyon ng manunulat.
2. Kailangan gumamit tayo ng deskriptibong wika upang maipaliwanag natin ng mabuti kung ano ang mga opinyon natin na nais nating  ipahayag.
3. Ang dapay tandaan sa pagsulat ng repleksyon ay ang maging  tapat at maging  totoo. Kailangan din ng mga karanasan upang gumawa  ng repleksiyon.
4. Mahalaga ito upang magbalik-tanaw sa mga nakalipas nating  mga karanasan.
5. Ang pagsulat ng replektibong sanaysay ay hindi basta-basta at dapat galing sa puso, dapat maging  totoo  ka sa sarili mo sa pagsulat ng replektibong sanaysay. Ang mahalagang sangkap na dapat na may roon sa pagsulat ay dapat alam mo kung tungkol saan ang gagawin mo.



Comments

Popular posts from this blog

Finals: Sulatin Blg. 3

Sulatin Blg. 3

OP#2: Deskriptibong Pananaliksik