OP#4
"Ang Kasaysayan ng Saint Augustine School"
Isinulat ni Rich Anne A. Magsombol
Isinulat ni Rich Anne A. Magsombol
Ang Saint Augustine School- Tanza ay isang pribadong paaralan sa bayan ng Tanza, Cavite. Ito ay ipinangalan sa santo ng bayan na si "St. Augustine" o si Tata Usteng.
Taong 1969 nang maisipan ni Monsignor Francisco V. Domingo, ang pari ng bayan noong panahong iyon, na itayo ang ganitong klase ng paaralan dahil sa nakita niyang pangangailangan ng bayan ng pormal na pagtuturo ng "Catholic Christian Formation" na magiging abot kaya sa lahat. Ang paaralan ay pormal na nagbukas noong Hunyo taong 1969. Noong unang taon ay kinder at mga klase sa unang baitang lang ang alok ng paaralan. Ang unang punong-guro ng paaralan ay si Sr. Angeles Gabutina na naglingkod lamang ng dalawang buwan. Sinundan siya ni Sr. Clemencia Ranin.
Ang unang kabuuang bilang ng mga mag-aaral ay apatnapu't apat samantalang mayroon lamang dalawang guro. Ang sistema ng edukasyon sa panahong ito ay nakasailalim pa sa pamamalakad ng Dela Salle.
Nang sumunod na mga taon, tuluyan ng bumilis ang paglaki ng bilang ng mga estudyante. Dahil dito, naging tuloy-tuloy ang pagpapatayo ng mga bagong gusali noong 1971 at 1972.
Noong 1973, naging miyembro si Monsignor Domingo ng "Knights of Rizal". Dahil dito ay mas naging abala siya sa mga gawain. Matapos ang labing-apat na panunungkulan niya sa bayan ng Tanza, pinagpasyahan niyang magretiro sa taong 1975. Madami ang naging kapalit ng direktor sa mga nagdaang taon.
Simula taong 1989 hanggang sa kasalukuyan, umupo bilang punong-guro si Bb. Mercedita Pacumio. Kasama niya bilang direktor ng DICES si Fr. Alain Manalo. Simula ng kanyang pamumuno ay nakita ang progreso sa kalidad ng edukasyon na ibinibigay ng paaralan sa mga mag-aaral nito. Nabuo ang identidad at karangalan ng paaralan nang unti-unti. Taong 1988 nang makilala ang SAS gamit ang logo nito na dinisenyo ni G. Norgin Molina sa paggabay ni G. Justo Cabuhat.
Taong 2015 ng sinimulan ang pag-iisip na magtayo ng "Senior High School" ng mga tao sa administrasyon ng paaralan. Nang taong ding iyon binili ng paaralan ang lupa na parte ng Felipe Calderon Elementary School upang umpisahan ang pagsasaayos at pagbabago ng mga klasrum dito.
Hunyo ng taong 2016, pormal na nagsimula ang operasyon ng paaralan. Ang mga 'strand' na inalok dito ay ang STEM (Science, Technology, Engineering and Mathematics), ABM (Accountancy, Business and Management) at HUMSS (Humanities and Social Sciences) sa baitang 11.
Sa kasalukuyan, ang paaralan ay patuloy na nagkakaroon ng progreso. Mayroon ng baitang 11 at 12 na mga mag-aaral at mas dumami na rin ang mga klasrum dito. Sa hinaharap, inaasahang mas dadami pa ang mga estudyante rito kaya patuloy ang pagtatayo ng mga gusali sa paaralan.
"Ang
Kwento ng Agustino"
Isinulat ni Lara Mae De Laiva
Si Possunt Cur Non Ego ang
salitang hango sa Latin na ang ibig sabihin ay “If they can, why can’t I.” Ano
nga ba ang salitang ito? Ito ay ang sawikain o motto ng Saint Augustine School.
Saint Augustine School? Saan at paano nga ba ito nagsimula?
Ang nagngangalang Monsignor
Francisco V. Domingo ay ang paring nagtatag nang Saint Augustine School noong
ika-14 ng Pebrero, 1969. At nabuksan lamang ito noong Hunyo, 1969 at may alok
lamang na kinder at baiting isa. Sa paglipas nang panahon ang Saint Augustine
School ay nasa pangangasiwa ng Dela Salle at kapansin-pansin ang mabilis na
pagdami ng populasyon na tila nakapagpatayo na kaagad ng isang istraktura para
sa mga estudyanteng elementarya. At sumunod na rito ang istrakturang
silid-aralan para naman sa mga high school at ito’y natapos lamang nang isang
taon. At dito na nagsimula ang totoong buhay ng mga Agustino. Ang nagngangalang
Sr. Angeles Gabutina naman ay ang kauna-unahang punong-guro ng paaralang San
Agustin na namahala lamang ng dalawang buwan. Sumunod naman sina Sr. Clemencia
Ranin, Sr. Maltilde, Sr. Ma. Leonora at Ms. Patrocinio San Juan. Ngunit sa
kalagitnaan nang pamamahala bilang punong-guro ni Ms. San Juan tila nagretiro
na si Monsignor Francisco V. Domingo bilang pari ng Tanza at kasabay nito ang
pagreretiro bilang school director ng Saint Augustine School. At sa pagdaan
nang mahabang panahon ang nagngangalang Mercedita Pacumio ay namamahala na
simula 1989 na hanggang kasalukuyan bilang punong-guro ng mga kasalukuyang
Agustino.
Simula sa bilang na 44 na
estudyante at 2 guro noong unang mga taon ng Saint Augustine School ay tila
nagbunga ng libo-libong estudyante at lagpas limampung guro para
maisakatuparang at magampanan ng maayos ang mga bagay na inilahad para sa mga
kapwa Agustino mapaguro man o estudyante. At ang pangalang Saint Augustine
School ay hango sa pangalan ni San Agustin na kinikilala ng mga taga-Tanza
bilang “Tata Usteng”.
“Kasaysayan ng Saint
Augustine School”
Isinulat ni Karinna Jean Abueg
Ipinangalan ang
Saint Augustine School sa patron ng Tanza na si San Agustin sa kilala sa tawag
na 'Tata Usteng'. Ito ay naipundar noong Pebrero 14, 1969 ng pari ng Tanza,
Cavite na si Monsignor Francisco V. Domingo.
Sa
pagsasaalang-alang ng eskwelahan na makapagbigay ng magandang kalikad nang
pagtuturo at sentro ang Katoliko at Kristiyano, ang eskwelahan ng San Agustin
ay pormal na nagbukas noong Hunyo 1969. Ito ay nagbigay ng kanilang serbisyo aa
mga kabataan mula Kinder at unang baitang
na pinamunuan ni Sr. Angeles Gabutina, AR. sa loob ng dalawang buwan
bago pamunuan ni Sr. Clemencia Ranin.
Ang sistema ng
edukasyon ng eskwelahan ng San Agustin at nasa ilalim ng pamumuno ng Dela
Salle. Ang magandang resulta ng ika-unang taon nang pagtuturo ay nagbunga at
nagpayabong sa eskwelahan ng San Agustin mula sa mga estudyante at guro ng
eskwelahang ito. Ang eskwelahan ng San Agustin at nakapagpatayo kaagad ng
panibagong 'building' sa gilid ng simbahan. At sa taong 1971, panibagong
establisyimento ang naipatayo para sa sekondaryang lebel na natapos noong 1972.
Agad naman itong nasundan ng 'basketball court'.
Marami na ang
mga nagdaang namuno sa eskwelahan ng San Agustin. Kabilang na rito ang
kasalukuyang principal na si Ginang Mercedita Pacumio na namumuno simula pa
noong 1989.
Mahabang panahon
na rin ang lumipas mula nang maitayo ang naturang paaralan. Sa pagpupursigi ng
mga nagdaang administrasyon at napayabong nito ang paaralan at nakapagbibigay
ng magandang kalidad ng edukasyon hanggang sa ngayon. Sa kabila ng mga
napagdaanan at napagtagumpayan mg eskwelahan, ang kanilang paa ay nananatiling
nakaapak sa lupa at handang harapin ang mga pagsubok na maaaring dumating.
Pagsubik na makakapagpabuti sa paaralan.
"Ang Kasaysayan ng Paaralang San Agustin"
Isinulat ni Reinalene Soro
Ang paaralang
Saint Augustine School (SAS) ng Tanza ay pinangalanan pagkatapos ng santo
patron ng bayan, si St. Augustine, na tinatawag ding "Tata Usteng."
Itinatag noong Pebrero 14, 1969 ni Monsignor Francisco V. Domingo, ang parokya
ng bayan noong panahong iyon. Inilaan bilang isang paaralan na magbibigay ng
kalidad at Christian Catholic na pagbuo ng edukasyon sa mga kabataan. Pormal na
binuksan ito noong Hunyo 1969 at nag-aalok ng kinder at grade one class. Ang
sistema ng edukasyon ng SAS ay inilagay sa ilalim ng pangangasiwa ng De La
Salle, at ang nakamamanghang resulta ng operasyon ng unang taon nito ay
kumbinsido sa mga skeptiko ng katapatan ng mga layunin at pangitain nito. Mula
sa 44 mga mag-aaral at dalawang guro, at ang mga taon ng kasunod na paaralan ay
nakita ang mabilis na pag-unlad ng paaralan kapwa sa kapaligiran ng estudyante
at mga inupahang mga guro.
Pagkatapos
lamang ng isang taon isang pangunahing gusali ay itinayo sa tabi ng kaliwang
pakpak ng simbahan. Pagkatapos ng 1971, nagsimula ang pagtatayo ng isa pang
gusali para sa mga silid-aralan sa Mataas na Paaralan. Natapos ito noong 1972.
Sumunod ang basketball court.
Ang unang
prinsipal nito ay si Sr. Angeles Gabutina, AR, na nagsilbi nang dalawang buwan,
bago kinuha ni Sr. Clemencia Ranin. Nang umalis si Sr. Ranin, si Sr. Matilde
ang naging susunod na prinsipal noong 1971. Siya ay nanatili sa loob ng
dalawang taon, habang si Sr. Ma. Si Leonora ay nagsilbing elementary principal
para sa SY 1972-1973. Pagkatapos, noong 1973-1976, kinuha ni Miss Patrocinio
San Juan. Nakita din ng taong 1975 ang pagreretiro ni Monsignor Francisco V.
Domingo, kapwa bilang parokya ng bayan at direktor ng paaralan. Ang Paaralan ng
Taon 1975-1976 ay nagsimula sa bagong pamamahala para sa SAS. Fr. Si Luciano
Paguiligan ang naging bagong direktor. Umalis si Miss San Juan, at noong 1977,
si Fr. Kinuha ni Corsie Legaspi ang kanyang post. Nanatili siya sa SY 1978-79.
Pagkatapos, mula 1979-80, si Sr. Teresita Octavio ay kumilos bilang prinsipal,
sinundan ni Miss Julieta Hernandez mula 1980-89 at pagkatapos ay si Rev. Fr. Si
Teodoro Bawalan bilang Direktor ng Paaralan at si Mercedita Pacumio bilang
prinsipal mula 1989 hanggang sa kasalukuyan.
"Kasaysayan ng Paaralang San Agustin"
Isinulat ni Demie Lacar
Ang paaralang San Agustin ay nabuo nung
Pebrero 14,1969. Ang pangalan ng San Agustin ay nakuha kay Patron San Agustin o
kilala bilang "Tata Usteng" si Monsigor Francisco V. Domingo ang
nakatuklas noong panahong iyon sa bayan ng Tanza, Cavite.
Ang
paaralang San Agustin ay sumailalim sa La Salle Supervison noong Hunyo 1969.
Ang paaralang ito ay nagbukas para sa kinder at unang baitang ngunit ito ay
naging mas kilala at naging matunog sa mga tao kung kaya’t muli itong nagdagdag
ng baitang para sa maga baitang 2-12.
Hanggang
ngayon, ang paaralang San Agustin ay patuloy na nagbibigay-alam o turo para sa
mga minamahal nilang estudyante at patuloy pa rin ito sa pagbibigay-hatid alam
din tungkol sa Simbahang Katoliko.
Comments
Post a Comment