OP#1

"Ang pagsulat ay umiinog sa mga paksa, tema, o mga tanong na bibigyang-kasagutan ng mga mag-aaral sa kanyang sulatin depende sa kanyang kaligiran, interes, at pananaw."

          Ang pagsulat ay maihahalintulad sa pag-ikot ng ating mundo sa nag-iisang araw. Gaya ng rebolusyon ng ating mundo, ang ating sulatin ay dapat umiikot lang din sa iisang paksa na may sariling tema at sumasagot sa mga katanungan na naaayon sa kanyang kaligiran, interes at pananaw. Ang nag-iisang paksa na ito ang tatalakayin ng mag-aaral sa buong sulatin nang hindi sumasalungat sa tema at hindi nag-iiwan ng mga natitirang katanungan sa mga mambabasa.

            Bawat isa ay may kanya-kanyang estilo sa pagsulat. Walang sulatin ang eksaktong katulad ng iba sapagkat naiiba ang mga ito sa paksa, tema at mga katanungang nais sagutin ng mag-aaral. Ngunit sa kabila nito, mahalaga pa rin na ang isang sulatin ay nakapokus lamang sa iisang paksa. Bakit? Ito ay sa kadahilanang dapat ay may kalinawan at obhetibo ang sulatin na makakamit lamang kung ang tekstong isinulat ay nakatuon sa iisang paksa, tema at sumasagot sa mga tanong na kaugnay nito. Mahalagang bigyang pansin ang pokus ng sulatin upang hindi malito o maguluhan ang mambabasa. Ang isang sulatin ay maituturing na akma kung ang teksto ay tumatalakay lamang sa ibinigay na paksa at tema at nagpapaliwanag ng mga kasagutang inaasahan. Ito ay hindi lumilihis sa landas at nagdudulot ng kalituhan sa kanyang mambabasa. Ang mga impormasyong inilalahad sa sulatin ay naaayon sa kaligiran, interes at pananaw ng manunulat. Ang takbo at kaayusan ng nilalaman ng sulatin ay batay sa kanyang kaalaman sa paksa, kawilihan sa sinusulat at opinyong nais panindigan at ipaliwanag. Ang estilo ng mag-aaral sa kanyang pagsulat ay tiyak na makaaapekto sa kaisipan ng mambabasa kaya dapat ay may kalinawan ang mga impormasyong ibabahagi niya. Ang mga ideya na ilalahad ay dapat siguradong may kaugnayan at kabuluhan sa paksa. Sa mga paraan na ito matitiyak na ang pagsulat ng mag-aaral ay may kaisahan.

            Ang pagpukaw ng interes ng mambabasa ay magiging posible lamang kung mag-iiwan ng kakintalan ang sulatin sa kanya. Upang ito ay makamit, kailangang maging kawili-wili ang sulatin at masagot ang lahat ng nais malaman ng mambabasa. Higit sa lahat, ito dapat ay maintindihan nila ng may kalinawan na mangyayari lamang kung magiging matagumpay ang mag-aaral na makasulat ng teksto na naaayos sa paksa at temang inaasahan sa kanya na depende sa kanyang kaligiran, interes at pananaw. 
- Magsombol


Ang pagsulat ay umiikot sa mga kaisipan o ideya ng mga manunulat at kailangan ibigay niya kung ano ang nasasaloob niya upang mahikayat ang mga mambabasa na tapusin ang tekstong kanyang binabasa o binasa.

 Sa paggawa ng teksto kailangan mag-isip o magtala ng kanyang paksa. Sa bahaging ito kailangan ng manunulat na magpasya kung tungkol saan ang kanyang magiging paksa kung ito ba ay tungkol sa ating kaligiran, sa mga interes at kanyang pananaw. Habang sumusulat kailangan gumawa ng burador o tinatawag na draft. Sa bahaging ito ay hindi matatawaran ang halaga dahil sa mga karanasan o magagandang ideya ng manunulat. Sa paggawa ng teksto kinakailangan tama na ang paggamit ng mga bantas at hindi kinakailangan ng mga balbal na salita.

 Sa proseso ng pagsulat kailangan bigyang pansin ang panimula, katawan, at pangwakas. Dahil ang panimula ang dapat bigyang pansin upang maging kawili-wili ang iyong magiging paksa sa simula pa lamang. Ang katawan o nilalaman sa bahaging ito kailangan maayos at sunod-sunod na ang impormasyon at kailangan hindi lalabas ang gagawing paksa sa loob ng teksto. Sa bahaging ito kailangan organisado ang mga detalye, hinihimay-himay kung ano ang nilalalaman at dapat may kaugnayan sa isa’t isa. Ang wakas naman ay dapat makapag-iwan ng mahalagang impormasyon sa mga mambabasa o makahulugang replika.
- Soro, Reinalene


Bakit nga ba tayo nagsusulat? Ano ang mga dahilan bakit kailangan natin malaman ang pasikot-sikot ng isang pagsulat? Ang pagsulat ay karapat-dapat bigyang pansin at pahalagahan. Sa anong dahilan? Sapagkat dito natin matutunghayan o gustong iparating sa isang mambabasa. Ito ang ilang kasagutan sa iyong mga tanong ano o bakit nga ba tayo nagsusulat.

Ang pagsulat ay hindi lamang nadedepina sa isang sulatin ito ay isang pagtalakay sa isang tema o paksang gusto mong iparating o ipaalam sa iba para sa karagdagang kaalaman. Ang pagalam sa layunin  ng isang akademikong pagsulat o kung ano mang uri ng isang sulatin ay kung saan maaaring gamitin ang sariling kaalaman at sa pamamagitan ng pagsulat ay nabibigyang kasagutan ang iyong sarili sa iilang haka hakang iyong nararamdaman o nalalaman. At bago magsulat ang isang manunulat ito ay dahil may gusto siyang makuhang kasagutan, ilabas ang emosyong nararamdaman o gusto niya lamang makapgbigay karagdagang kaalamn sa mga potensyal na mambabasa. Ang pagsulat ay pinaplano at hindi binabarabara lamang, bago isulat ang iyong isulat ay dapat mong malaman sa iyong kung interes mob a ang iyong isusulat sa kadahilanang kaya mong ilahad nang maayos at may magandang daloy ang paksang iyong isasagawa. At sa isang pagsulat matutunghayan ang pagkakakilanlan sa iyo bilang manunulat kung gaano nga ba kalalim ang iyong pananaw o interes sa isang bagay para ilahad ang mga bagay na gusto mong iparating. At sa pagsulat ng iyong nagawa ay dapat may iilang salita o kataga na dapat maiwan na maaaring matandaan ng isang mambabasa sa paksang iyong tinalakay.

Ang pagsulat ay hindi lamang nadedepina sa isang pagsulat o sulatin. Ito ay nagiging isang daan para iparamdam sa mga mambabasa ang dapat nilang matunghayan sa isang manunulat. Sa pagsulat ay isa ding pamamaraan ng komunikasyon na kung saan masasabi natin o harap harapang mababasa ng taong nakadedikasyon sa sulating iyon.
                                                                                                                                                - De Laiva


Kapag gumagawa ng sulatin, marapat lamang na ito ay may wastong paksa at tema. Ang mga ito ay nararapat na may kasagutan at matinding paninindigan. Ang bawat salita na nakapaloob sa sulatin ay importante at nasisigurong lehitimo. Hindi pwedeng literal na pagsulat lamang ang ginawa, dapat ay, isinasapuso at gusto ng mag-aaral ang kanyang isusulat.

Sa sulatin, mahalaga ang paksa at tema dahil dito pa lamang alam na agad ng mambabasa kung saan patungkol ang kanyang babasahin. Sumunod ay, importante at marapat lamang na bigyang kasagutan ng mag-aaral ang mga nakapaloob sa kanyang sulatin. Dito malalaman na lehitimo ang pagsusulat at makakakuha o makakakalap ng impormasyon. At mula rito, inaasahan na ang nilalaman ng sulatin ay purong katotohanan lamang. Ang mga mag-aaral ay makakapagsagawa ng sulatin ayon sa kanyang kaligiran, interes, at pananaw. Sa pagsulat, importante na gusto ng isang mag-aaral ang kanyang sulatin at interesado siyang makabuo ng lehitimong sulatin na sumasailalim sa proseso. Ang interes ng mag-aaral ang makakapagtulak upang makagawa ng maayos na sulatin na mapapakinabangan ng lahat. Ang pananaw ng mag-aaral ay importante rin dahil siya ay nakakabasa rin ng sulatin at alam niya ang maaaring makapukaw sa mambasa. At tungo sa kanyang pananaw, makakabuo siya ng makabuluhang sulatin.

Kung susumahin, ang pagsulat ay sumasailalim sa interes, kaligiran at pananaw ng mag-aaral upang magawa ng wastong tema at paksa na makakapagbigay kasagutan sa lahat ng nilalaman ng sulatin. Dahil sa interes ng mag-aaral na makapagsulat, ang bawat salita at nilalaman na nakapaloob ay masisigurong lehitimo at angkop.
 - Abueg

Ang pagsulat ay isang tema kung saan nais mong ipahiwatig ang nais mong sabihin ngunit ito ay hindi sa pamamagitan ng salita kung di ay ang paggamit ng sulating papel at panulat sa pagsulat ay mas mapapalawak ang iyong kaisipan at nagkaroon ng mabilis na pag-iisip at ito ay mas masusuri ang iyong kakayahan kung paano mapapabilis ang iyong brain storming.

Ang pagsulat ay isang parte rin ng ating buhay kung saan maaring maipahiwatig ang nais mong gawin ngunit ito ay pagsulat. Pagsulat ng isang paksa na may tema ay mas naipapahiwatig ang iyong ninanais na interes. At ang pagsulat maari mong idaan dito ang lahat ng pananaw na iyong nakikita at naririnig sa kapaligiran. At bawat detalye ng iyong sinusulat ay dapat ding may patutunguhan ang nag bibigay dama sa mga mambabasa at kanila ding naiintindihan.

Sa pagsulat ay marami tayong maidedetalye ngunit nakadepende sa ating kapaligiran kung saan mas komportable tayong sumulat at kalmado lamang upang magkaroon ng maraming impormasyon ngunit ang pagsulat ay may pagkakataon na may laging nakalaaan sa ating buhay upang ituloy ang kwento o sulat sa masayang wakas. At kung minsan ang pagsulat din naman ay nakatadhana sa ating buhay upang maipaliwanag ang mga bagay na nais nitong malaman. 
- Lacar


Comments

Popular posts from this blog

Finals: Sulatin Blg. 3

Sulatin Blg. 3

OP # 1: “Isang natatanging karanasan bilang mag-aaral”