OP#7

"Paggamit ng makabagong Teknolohiya sa Edukasyon"
Isinulat ni Rich Anne A. Magsombol

      Ipinapakita sa editorial cartoon ang pagbabago sa mga kagamitan sa pag-aaral. Mula sa traadisyonal na pamamaraan ng pag-aaral o ang paggamit ng libro ay naging isang malaking hakbang ang paggamit ng mga makabagong teknolohiya gaya ng Internet. Ang pagsibol ng Internet era ay talaga namang nakatulong sa edukasyon ng marami.

            Para sa akin, naging maganda ang epekto ng paggamit ng mga makabagong teknolohiya sa pag-aaral. Bagamat maraming nagsasabi na ginawa nitong tamad ang karamihan sa mga estudyante dahil sa "easy access of information", kinakailangan pa rin naman magtiyaga ng mga estudyante na suriin ang mga impormasyon sa Internet. Nakatulong ang "easy access" sa pagpapayaman pa ng kaalaman ng mga estudyante. Dahil sa "one-click surfing", marami na agad nadidiskubre ang mga mag-aaral tungkol sa nais nilang malaman. Kumpara sa libro na minsan nama'y hindi "updated" at mahirap "i-access". Maaari ring sabihing "nakakadistract" ito sa pag-aaral. Ngunit kung titingnan, hindi naman ito makasasagabal kung para lamang talaga sa edukasyon ito gagamitin.

           Bilang pagtatapos, naniniwala ako na ang makabagong teknolohiya ay malaking tulong sa ating kinabukasan kung gagamitin ito sa tamang paraan. 


"Pagnanakaw sa Mabuhay Manor Hotel"
Isinulat ni Karinna Jean Abueg

Ang isyung tinatalakay dito ay ang pagnanakaw na nangyari sa Mabuhay Manor Hotel sa F.B Harrison, Pasay City at nakalimas nf nagkakahalagang apat na milyong piso. Ang nasabing lugar at kilala bilang abala at dinadayo ng mga tao at maraming dayuhan ang naninirahan dito. Ipinapakita rito na hindi nagampanan ng mga pulis ang kanilang tungkulin na magpatrulya sa paligid kaya naman hindi nahuli at napigilan ang mga suspek. Ako ay sang-ayon sa kung gaano kapabaya ang mga pulis at hindi nila ginagampanan ang tungkulin nila. Nangyari ang krimen na walang nakapigil at nilisan ang naturang lugar na parang walang nangyari. Dahil na rin hindi nagpatrulta ang mga pulis at hindi marapat na taasan ang sahod nila dahil sila ay pabaya at iresponsable.


"Ampatuan Massacre"
Isinulat ni Demie Mur Lacar

Ang larawang ito ay tumutukoy sa Ampatuan Massacre. Ang pangyayaring ito ay naging makabuluhan sa tao, sa simula pa lang ng paglilitis, tinaya ng matagal ang kaso ng kung ilang taon o dekada kaya dahil sa marami ng akusado at biktima para mapatagal pa ang kaso at bagal mismo ng hukuman sa paggagawa ng desisyon, ako ay di sumasang-ayon sa halalan dahil sa kanilang pagbagal ng pagpapatupad ng akusasyon.

Comments

Popular posts from this blog

Finals: Sulatin Blg. 3

Sulatin Blg. 3

OP#2: Deskriptibong Pananaliksik