OP#6: "Mga Karanasang Di Malilimutan"

Isinulat ni Demi Lacar

Natapos na ang taon ngunit ano nga ba ang ating naranasan?
Lahat ng tao sa mundong ibabaw ay may karanasang di malilimutan.
Mga karanasang nagdulot sayo ng kasiyaha, kalungkutan, pighati at kabiguan.
Mga salitang kay daling sambitin ngunit kay hirap dalhin.
Ano nga ba ang mga karansang di malilimutan?

Ako? Isa lamang akong tao.
Taong maraming kwento .
Puno ng emosyon at tila masasayang alalaala na ngayo’y naglaho na parang bula, Hipan mo lang ay wala na.
Isang araw dumating ang kalbaryo. Di alam kung anong gagawin pinagtabuyan na para bang walang pinagsamahan na mistulang sarili mong ama ika'y pag tabuyan!

Oo masakit! Masakit dahil yung akala mong tao na nandyan sayo ay wala na.
Ama? Bakit?! Ano ang aking nagawa at kung pagtabuyan mo ako ay wala lang. Pero masaya ako ama. Masaya ako dahil may nakasama akong isang tao nung panahong ako’y walang wala na. Isang taong nagbigay ngiti noong panahong ako’y bibigay na. Siya ang nagpunan ng lungkot ko ng saya. Nakalipas ang taon masasayang alalaala lamang ang binaon. Masaya ako dahil nakasama ko siya masaya ako dahil napapasaya niya ako ngunit yung akala kong saya ay hanggang dulo na, may hangganan din pala.

Ang sayang marinig ng kanyang tinig ngunit ang sakit dahil iba ang kanyang sinasambit!
Kay arin pala nung tinatawag ko siya di sya lumilingon kasi nakakita na naman siya ng panibagong destinasyon! Itinuring niyang pangalawa kahit ako yung una!
Mahal? Mahal mo pa ba ako? Tayo ba? Tayo pa ba? Naging tayo nga ba? O baka naman siya na? Siya pa ba o kayo na ba?


Mahal? Alam mo bang gabi-gabi umiinom ako. Hilong hilo ako sa bakas ng sakit na kahapong dulot mo! Oo may hang-over palo sa panloloko mo! Isang tagay pa tapos magmomove on nako! Yun lamang ang sinabi ko sa sarili ko na ang mga karanasang iyon ay nagsanhi ng pagbabago sa paglipas ng panahon ang masasakit na alalang iyon ay tinatawanan ko na lang. Ganun talaga mundo ng tao. Lahat ng masakit na pangyayari sa iyong buhay ngayon? Bukas tatawanan mo na lang!

Comments

Popular posts from this blog

Finals: Sulatin Blg. 3

Sulatin Blg. 3

OP#2: Deskriptibong Pananaliksik