OP#2

"Sampung dahilan ng kakulangan sa oras sa pagtapos ng mga gawain ng 80 mag-aaral ng Cavite National Science High School (CNSHS) T.P. 2015-2016"

            Isang malaking problema ngayon ng mga tao ang pagkagahol sa oras sa paggawa o 'pagka-cram'. Ito ay unti-unti nang kinasanayan ng mga estudyante kaya nahihirapan silang magpasa sa oras na itinakda ng guro. Ang pananaliksik na ito ay nagpokus sa pagtukoy ng mga dahilan kung bakit nagkukulang sa oras sa pagtapos ng mga gawain ang mga estudyante.

             Walumpung (80) estudyante ang napili ng mga mananaliksik upang maging respondente. Ang mga mag-aaral mula sa baitang 7-10 ay nagsagot ng mga sarbey na ito upang makuha ang kinakailangang datos. Ang mga sagot na nakuha ay inalisa gamit ang 'item analysis' na isang istatistikal na pamamaraan.

             Lumabas sa resulta ng pananaliksik na ang mga pangunahing dahilan ng kakulangan sa oras sa pagtapos ng mga gawain ay ang paggala, paglahok sa mga 'extra-curricular activities' at pagtulong sa mga gawaing bahay. Huli namang dahilan ang pakikipagrelasyon. Bukod dito, ilan pa sa mga salik ang paglalaro ng 'computer games', gabi na pag-uwi dulot ng trapiko at pagkakasakit. Iminumungkahi ng mga mananaliksik na magsagawa ng tala ng gagawin ang mga ito upang mapamahalaan nila ng mas maayos ang kanilang oras.               
- Magsombol


"Abstrak"

      Inilalahad ng pag-aaral na ito ang pag-alam ng iba’t ibang pananaw ng mga kabataan at matatanda sa mga nangyayari ngayon sa kabataang maagang nabuntis. Ang sentral o pahayag na gusting malaman nang mga mananaliksik sa pag-aaral na ito ay kung karapat-dapat bang ikahiya at kung sino ba dapat ang sisihin sa problemang ito. Kahit ang opisyales ng simbahan ay kasdama sa pagproseso ng pag-aaral na ito sapagkat makikita at malalaman kung inaatasan ba na mabinyagan ang batang dinadala at kung ito ba ay kasalanan sa Poong Maykapal.

        Sa pag-aaral, ang mga mananaliksik ay interesadong malaman ang dahilan at resulta sa mga kabataang nagbubuntis. At sa paglantad nila ng aralin kasama dito ang pagalam sa mga sapat na maiinterbyung kabataan, matanda at opisyales ng simbahan mula sa bayan ng Tanza, Cavite.

          Sa kabila ng katotohanang pag-alam sa pag-aaral ay naihayag na pagpapalaglag ng bata galling sa sinapupunan ay isang malaking kasalanan sa Diyos. At sa pagalam ng opinyon ng nainterbyung tao na ang batang nasa sinapupunan ng isang babae ay katanggap tanggap sa lipunan. Ngunit sa pagluwal ng bata ay may panghihinayang nawala na ang pagkabinata o pagkadalaga ng mga kabataan sapagkat ito tapos na at nangyari na. At sa pagalam sa kasagutan kung sino ang dapat sisihin ay ang parehong magulang at kabataan o anak, sapagkat parehas silang nagkulang sa parangal at pagpapaalala bilang responsableng magulang at anak.

       Bagaman sa pagaaral na ito ay malalaman natin ang epekto ng bagay na ito sa bawat mamamayan na nakakaranas nito at sa lipunang ginagalawan ng taong nakakaranas nito. At sa pakikipagsalamuha ay dapat piliin at kilalanin ng mabuti ang taong kinakasama para sa pansariling kaligtasan lang din.
- De Laiva


“Kandila, Bulong at Wika: Ang Diskursyo ng mga Faith Healer”
 Isinulat ni Karinna Jean Abueg

Ang layunin ng papel na ito ay mas mapalawak pa ang kalaaman patungkol sa mga faith healer. Tungo sa papel na ito, mas mabibigyang kaalaman ang mga mambabasa sa kung paano manggamot ang mga nasabing faith healer. Ipinapakita ng papel na ito ang mga sakip ng mga faith healer gaya ng orasyon, dasal, hilot, bulong, at mga gamot o herbal na maaari nilang ibigay. Ito ay makakapagbigay dagdag kaalaman sa mga mambabasa lalo na sa mga taong interesadong malaman ang paraan ng panggagaling ng mga faith healer. Sa pamamagitan nito, ang mga interesadong malaman ang paraan ng panggagamot ng mga faith healer ay magkakaroon ng paunang impormasyon patungo sa mga natatagong pamamaraan ng mga faith healer upang makapanggamot. At upang maisagawa ang mga ito, ang mga mananaliksik ay nagkaroon ng panayam sa pagitan ng dalawang faith healer. Ang mga mananaliksik ay nagbigay ng mga katanungan na inilathala ang mga impormasyong kanilang nakalap sa kanilang pananaliksik. At sa pamamagitan ng papel na ito, binibigyang pansin ang kulturang Pilipino sa paraan ng panggagamot. Tungo sa papel na ito, maipapakita ang pagkakapareho ng mga faith healer sa kanilang paraan ng panggagamot at pagkakaibang diskursyon. Nais ng papel na ito na magkaroon pa ng mas malalim na diskursyon at pananaliksik upang mas maging malawak ang sakop ng pag-aaral na ito.

“Pag aaral ng implementasyon at kagandahan ng environment code sa sa lungsod ng Santa Rosa “
Isinulat ni Demie Mur Lacar


Ang pananaliksik na ito ay naglalahad ng mga datos na nakalap ng mga mananaliksik mula sa mga pag-aaral at implementasyong kahalagahan ng environment code sa lungsod ng Santa Rosa. Sa pananaliksik na ito ay may isang paraan kung paano pahalagahan ng mga indibidwal at bansa ng kapaligiran habang patuloy ang pag-unlad nito. Ang saklaw na ito ay layuning maalagaan, mapangasiwaan ,at matugunan ang lahat ng isyu sa kapaligiran ng Santa Rosa. Sa pananaliksik na ito ay pinagkalooban ng masusing pag-aaral sa iba’t ibang programa na kabilang sa batas na ito at magiging kontribusyon pa nito sa napapanatiling kaunlaran ito ang magiging solusyon sa isa’t isa sa mga mabigat na suliranin sa ating bansa ang pananaliksik na ito dapat mas lalong maipabatid sa ating pamahalaan sa mamayananan at dahil ito ay nagdudulot ng pagpapatupad ng environment code sa Sta. Rosa l. Ang pananaliksik na ito nakita ko rin natama ang kanilang bibliograpiya.

Comments

Popular posts from this blog

Finals: Sulatin Blg. 3

Sulatin Blg. 3

OP#2: Deskriptibong Pananaliksik