Finals: Sulatin Blg. 2

"Sulatin Blg. 2"
Isinulat ni Rich Anne A. Magsombol

Isabuhay Mo Na:

1. Mahahalagang aral na pumukaw sa aking kaisipan:
         Ang mahahalagang aral na pumukaw sa aking kaisipan ay ang pag-alam kung kailan at saan ako babalik kapag ako ay nakatapos at may trabaho na, ang hindi pagsuko sa aking mga pangarap at ang pagtatagumpay ay kalakip ng pagsisikap mag-aral at makapagtapos.

2. Pag-uugnay sa sariling karanasan:
      Gaya ng nasa replektibong sanaysay, ako rin ay nagsisikap upang maabot ko ang aking mga pangarap. Ako ay patuloy na naghihirap makapagtapos upang masuklian ko ang paghihirap sa trabaho ng aking mga magulang. At higit sa lahat, alam ko kung paano magbalik-tanaw sa mga nangyayari sa aking nakaraan.

3. Pagsasabuhay sa natuklasan sa iyong sarili:
      Isasabuhay ko ito sa pamamagitan ng pagsusumikap pa upang maabot ko ang aking mga pangarap at hindi pagsuko sa pag-abot nito. Ako rin ay hindi makakalimot na lumingon pabalik kung saan ako nagmula.


"Sulatin Blg.2"
Isinulat ni Lara Mae De Laiva

Isabuhay Mo Na:

1. Mahalagang aral na pumukaw sa aking isipan:
       “Hangga’t may buhay, may pag-asa” yan ang kataga o salita na pumukaw at nabuo kaagad sa aking isipan. Sapagkat dito rin malalaman ang sipag at tiyaga ng taong gustong marating ang kanyang mga pangarap. Na habang kakayanin pa ay huwag na huwag susuko sa mga bagay na gusto mong mahangad.
2. Pag-uugnay sa sariling karanasan:
        Ang buhay ay isang lubak-lubak na daan na minsan ang mahirap lakarin ngunit sa kadulu-duluhan ay nandoon ang mga pangarap, liwanag at maginhawang buhay na gusto mong marating sa buhay mo. Mahirap man humabol at mahirap man tumayo sa pagkakadapa na tila’y puro sugat na sa katawan ngunit sa oras na ikaw ay bumangon nakita mong muli ang buhay na gusto mong makamit o makaharap. Yan ang buhay ko ngayon na kadalasang nadadapa pero sa hirap at tiyaga nakikita ko ang gusto kong makamit sa sarili kong buhay balang araw.
3. Pagsasabuhay sa natuklasan sa iyong sarili:
        Huwag susuko sa buhay hangga’t may naniniwala sa iyong sariling kakayahan, sapagkat sila ang lakas mo sa mga bagay na iyong tatahakin mapabuti o mapasama man. Sila ang iyong sandigan at sandalan sa panahong ika’y pagod na pagod na. At sa kanilang kaalaman na ikaw ay isang napakalakas na tao at kayang lagpasan ang lahat ng hirap sa buhay.

"Sulatin Blg. 2"
Isinulat ni Karinna Abueg

Isabuhay Mo Na:
1. Mahalagang aral na pumukaw sa aking kaisipan:
"Parati tayong may hinahabol. Iyon ay dahil sa may gusto tayong makamit. Ang mahalaga matapos ng paghahabol na iyon, alam mo kung saan at kailan ka babalik."
2    2. Pag-uugnay sa sariling karanasan:
Humabol ako para makapag-aral dahil hindi na ako kayang sustentuhan ng aking nanay. Hinabol ko ang mga kamag-anak namin para humingi ng tulong hanggang sa matagpuan ko si Uncle na sinusustentuhan ako hanggang ngayon.
      3. Pagsasabuhay sa natuklasan sa iyong sarili:
     Natuklasan ko na kahit hindi ako pala-aral na estudyante at hindi masipag, ay pinapanatili ko pa ring matataas ang mga marka ko at nagpupursiging magsipag para hindi madismaya ang mga taong naniniwala sa kakayahan ko. Gusto kong suklian ang kabutihan ni Uncle sa pamamagitan ng pagbibigay ng magagandang marka.

Comments

Popular posts from this blog

Finals: Sulatin Blg. 3

Sulatin Blg. 3

OP # 1: “Isang natatanging karanasan bilang mag-aaral”