OP#6: "Pa, Hindi Mo Na Ba Talaga Naaalala?"

Isinulat ni Karinna Abueg

Tatay, Itay, Ama, Daddy, Papa
O kung ano mang tawag pa
Pa, hindi mo na ba naaalala?
Noong ako'y bata pa?

Sa bisig mo ako'y iyong karga-karga
Ni minsan hindi tayo nawalay sa isa't isa
Sa mga yakap mo ako'y kuntento na
Noong mga panahong iyon, wala na akong mahihiling pa

Pa, naaalala mo pa ba?
Noong ako'y bata pa
Bago matulog, lagi mo akong kinukwentuhan na
May kasamang kiliti at aksyon pa

Pa, naaalala mo pa ba?
Noong ako'y bata pa
Sabi mo sakin ay wag akong dudumi sa aking salawal
Ngunit ginawa ko pa rin dahil iyong pinagbawal

Pa, naaalala mo pa ba?
Noong ako'y bata pa
Ika'y nagagalit sa tuwing may nagpapaiyak sakin
Pero pa, anong nangyari?

Nang dahil sa masamang bisyo
Tila ba ang pagiging ama ay nakalimutan mo
Sarili mong pamilya tinalikuran mo
Sarili mong pamilya sinira mo

Nang dahil sa masamang bisyo
Hindi mo alam na isa ako sa mga sobrang apektado
Apektado ako dahil na rin sa kagagawan mo
Apektado ako dahil ikaw ang papa ko, pero hindi ko na masambit iyon sa bibig ko

Pa, hindi mo na ba naaalala?
Ikaw ang dating dahilan ng aking pagngiti
Pero ngayon, ikaw na ang dahilan ng aking pighati
Pa, hindi mo na ba naaalala?

Sa bawat mga pag ngiti ko noon, ikaw ang dahilan
Ngunit sa bawat mga pighati ko ngayon, ikaw na ang dahilan
Pa, hindi mo na ba talaga naaalala?
Mga alaala natin noon, mananatili na lamang bang alaala?

Comments

Popular posts from this blog

Finals: Sulatin Blg. 3

Sulatin Blg. 3

OP # 1: “Isang natatanging karanasan bilang mag-aaral”