OP # 3: Pictorial Essay


Isinulat ni Laramae De Laiva

            Ika-11 ng Pebrero 2018 naganap ang karanasang ito, ito ang aming paglalakbay magpipinsan na tila’y walang kaplano-plano at biglaan lamang ang paglalakbay na ito. Sa aming paglalakbay o “stroll” kung tawagin ay naisipan naming maglakbay at pumaroon sa Kaybiang Tunnel sa pagitan ng Ternate at Batangas. Sa pagdating namin doon ay nakita naming ang isang magandang tanawin ng bundok at nagpahangin kami ng ilang minuto na may kasamang kwentuhan at foodtrip na rin habang dinadamdam ang malamig na simoy ng hangin. Sa pag-uwi naman namin ay nadatnan naming na may kainan at wala namang okasyon at doon lang namin nalaman na may konting salo salo lang ang pamilya namin. At dito napakita o napatunayan na may mga gala o paglalakbay na mas mabuting hindi pinaplano sapagkat ito’y natutuloy.

Comments

Popular posts from this blog

Finals: Sulatin Blg. 3

Sulatin Blg. 3

OP # 1: “Isang natatanging karanasan bilang mag-aaral”