OP # 2: “Pangalawang Pamilya”


Isinulat ni Laramae De Laiva

                Noong Disyembre 23, 2016, nangyari ang kauna-unahang lakbay naming bilang isang buong magbabarkada. Ito ang kauna-unahan kong naglakbay nang walang kung anong okasyon at tanging barkada lamang ang aking kasama. Itong litratong ito’y kinuhanan sa Caleruega Church sa Nasugbu, Batangas. Mga nagsasayawang puno na nagmula sa malakas na hampas ng preskong hangin.
                Ang paglalakbay na ito ay nagsimula o naplano lamang ng biglaan. At nauwi sa ganitong pangyayari, kami ay umarkila lamang ng isang van na tila’y maging sardinas na kami sa siksikan ngunit nakakayanan naman ang siksikan at nawala ang pag-aalala sa pasisiksikan at humupaw lang ay ang tawanan at kasiyahan. Kami ay may tatlong destinasyong pinuntahan ngunit ito ang lugar na hindi ko malilimutan na kasama sila. Sa lugar na ito ay may malawak na pag-iikutan at hindi lamang simbahan ang mayroon dito. Ito’y maituturing ding retreat house center na tila’y marami ring restriktong lugar na hindi pwedeng puntahan. At sa pagiikot naming sa lugar na ito ay may nalaman kaming isang chapel sa taas ng bulubundukin kung kaya’t kami’y pumunta sa sinasabing chapel upang matuklasan naming ang sinasabi nilang chapel. Sa pagakyat naming iyon ay tila nagsisi kami sa hirap niyong akyatin sa kadahilangang ang daming pasikot-sikot ngunit kami’y hindi nagpatalo sa hirap ng pagakyat at hindi na muling ininda ang hirap sapagkat tulong-tulong ang isa’t isa at napuno ng kwentuhan at hindi na namalayan ay naakyat na pala na naming ang hinahanap naming chapel. At punong puno ng ngiti at tawanan ang araw na ito, na parang walang ibang taong mangengealam sa inyo kundi kayo kayo lang magbabarkada.
                Kulang man ang oras na nakasama sila, iba pa rin ang pagsasama niyo bilang isang barkada ay maituturing mo din isang pamilya. Hirap o pasakit man ang aming maranasan sabay-sabay pa rin aangat at babangon sa kadahilanang totoong pamilya o kaibigan ang iyong nakasama. Sa mga ngiting naipapakita sa litrato umaapaw ang pagmamahalan at walang sawaan sa pagtutulunhan at masasabi mong wala pa rin katumbas kapag sila na ang kasama mapaproblema man o kasiyahan.

Comments

Popular posts from this blog

Finals: Sulatin Blg. 3

Sulatin Blg. 3

OP # 1: “Isang natatanging karanasan bilang mag-aaral”