OP # 1: “Isang natatanging karanasan bilang mag-aaral”


Isinulat ni Laramae De Laiva

                Estudyante? Mag-aaral? Ito ang tawag sa mga taong nag-aaral sa isang eskwelahan na kung saan ang bawat isa ay natututo at nadadagdagan ang kaalaman sa kung ano anong bagay. Ang Pag-aaral ay ang bagay na hindi kayang nakawin ng kung sino man at ito’y dala dala habang nabubuhay, ang kaalaman na mayroon tayo.
                Ngunit ang buhay ko bilang isang mag-aaral ay hindi rin gaanong kadali para harapin ang kung ano. Ako’y nagaral simula noong aking ika-5 taong gulang at sa pasimulang pag-aaral na iyon ay nakatanggap ng isang parangal. Ngunit sa paglaon ng panahon tila nagiba ang ihip ng hangin na halos habol kabayo o aso ka na para makuha ang matamis na ‘oo’ at ‘pasado ka’ sa iyong grado. Ako’y magkandamayaw hanapin ang aking mga guro at tila’y pumatak na ang aking luha sa pagkakalugmok sa nakuha kong grado. At parang itong droga na aking hindi na napigilan gawin at ako’y bumagsak nang bumagsak. Halos hindi na alam ang gagawin saakin ng aking mga magulang upang mahatak muli pataas. Ngunit isang hapon na ako’y hindi makausap ng maayos, tulala at nagmumuni-muni ay naisip ko ang hirap ng aking mga magulang upang mapagaral lamang ako at makapagtapos.
                AT ditto nagsimula ang aking buhay tunay mag-aaral na kahit napakahirap gumising sa umaga para lamang makpasok ang unang motibasyon ko lamang ay ang aking mga magulang na umaasa na makamit ko ang sariling pangarap at masasabi kong akin. Na sa una’y sukong suko na at halos nakadapa na sa lapag ngunit sa mga kamay na nakaabang hindi mo alam na ika’y makakatayo muli sa iyong pagkapilay at pagkadapa. At sa pagabot ko nang mga kamay na iyon ay kasama sito ang pagiging makulay ng aking pangarap.

Comments

Popular posts from this blog

Finals: Sulatin Blg. 3

Sulatin Blg. 3

OP#2: Deskriptibong Pananaliksik