OP # 2: "Sulit kay Uulit"
Isinulat ni Rich Anne A. Magsombol Sa ganap na ika- 1 ng umaga noong Disyembre 29, 2017, ay nagsimula ang isang paglalakbay na hindi ko malilimutan. Kami ng aking pamilya ay tumungo sa La Union. Bago makarating sa lugar ay naglakbay muna kami ng halos anim na oras. Sa anim na oras na iyon ay nahirapan akong matulog sa biyahe dahil sa saya na aking nararamdaman sa puso. Ako ay lubos na nanabik na masilayan ang kagandahan ng naturang lugar. Mag-aalasiete na ng kami ay tumigil sa munisipyo ng isang lugar sa La Union. Kumain muna kami ng aming baong almusal at saka nagbihis ng 'panswimming' para sa falls na aming pupuntahan. Bago makarating sa Tangadan Falls ay umarkila kami ng jeep paakyat ng bundok. Ako at ang aking ama ay umupo sa taas ng jeep upang masubukan ang sinasabing karanasan na aming hindi malilimutan. Noong una ay hindi pa nakakatakot ang pag-upo rito. Ngunit sa pagtagal ay tumataas ang aming bundok na tinatahak kaya nama'y