Sulatin Blg. 1

Mga Tanong:
1. Tungkol saan ang mga abstrak na binasa?
2. Bukod sa nilalaman, ano ang ipinagkaiba ng dalawa?
3. Alin sa mga abstrak na sulatin ang higit mong naunawaan? Ipaliwanag ang sagot.

1. Ang abstrak ng pananaliksik na pinamagatang "Internship: Kuwentong Loob ng Tagalabas" ay tungkol sa mga kaapihan, katiwalian at korupsiyon na nangyayari sa loob ng isang tipikal na ospital sa Pilipinas sa kasalukuyan. Tinalakay ng abstrak na ito ang kuwento ng isang doktora na tumaliwas sa kanyang sinumpaang tungkulin para sa personal na pangangailangan. Ang abstrak naman ng pananaliksik na may pamagat na "Karanasan ng Isang Batang Ina: Isang Pananaliksik" ay tungkol sa mga kaso ng maagang pagbubuntis at ang naging epekto nito sa emosyonal, espiritwal, mental, pinansyal, relasyonal at sosyal na aspeto ng mga respondente. Inilahad sa abstrak na malalapit ang mean score ng bawat aspeto.

2. Ang abstrak ng pananaliksik na pinamagatang "Internship: Kuwentong Loob ng Tagalabas" ay naiiba sa isa pang abstrak sapagkat mas naging deskriptibong uri ng abstrak ang estilo nito. Walang inilahad na metodolohiya, resulta at kongklusyon na base sa sistematikong proseso ng pananaliksik. Ibinahagi lamang ng abstrak ang isang halimbawa ng sitwasyon na saklaw ng pag-aaral. Ang pangalawang abstrak naman ay mas detalyado at impormatibo. Ito ay ginawa sa isang sistematikong proseso at ito ay may kalinawan. Ito ay iba sapagkat ito ay may nakasaad na metodolohiya, resulta at kongklusyon na batay sa organisadong proseso na isinagawa nilang pananaliksik. Bukod dito, ito ay kuwantitatibong pananaliksik samantalang kuwalitatibo ang nauna. 

3. Higit kong naunawaan ang abstrak ng pananaliksik na pinamagatang "Karanasan ng Isang Batang Ina: Isang Pananaliksik". Ito ay dahil mas pormal at obhetibo ang abstrak na ito. Mas detalyado at malinaw rin ang mga impormasyon sa teksto. May kaayusan ang mga ideya at payak na mga salita lamang ang ginagamit dito. Maayos din ang transisyon ng mga pangungusap sa abstrak. At higit sa lahat, mas direktibo ang mga pahayag kaya ito ay nag-iwan ng kakintalan sa aking isipan. 

- Magsombol (12 ABM-1)

1. Ang abstrak na aking unang natunghayan ay tumutungkol sa isang hindi etikal na doktor na mas pinaniniwalaan ang unang nakasanayan o nalaman kaysa sa kabuhayan o pangpersonal na pangangailangan ng isang pasyente o ng nakakarami. Ang pangalawang abstrak naman, dito tinutukoy ang karanasan ng isang batang inang pang espiritwal, pinansyal, relasyonal at sosyal.

2. Maliban sa nilalaman, ang pinagkaiba ng dalawang abstrak ay ang abstrak na nasa libro ay masasabing deskriptibo kung saan makikita mo lamang ang pagkwento ng awtor sa paggawa niya ng abstrak. At sa abstrak na nasa pisara naman ay mababasa at matutunghayan mo ang metodolohiyang ginamit at ang naging resulta dito.

3. Sa aking opinyon, ang abstrak na higit kong naintindihan o naunawaan ay ang abstrak na nasa pisara. Sapagkat hindi lang binigyang kwento ang abstrak na nagawa. Ito ay nagbigay karagdagang impormasyon sa tulad kong mambabasa. Nakita at nalaman ko ang resultang nakalap at nakuha ng isang mananaliksik at ito’y naging daan din sa isang mambabasa na maging alerto  at mapigilan ang iilang bagay na dapat pigilan. At ang abstrak na iyon ay tunay na nakapagbigay kaalaman sa mamamayan sapagkat nailahad ng mas malinaw at may naiwang sagot para sa mga taong may katanungan pa rin sa sarili sa nagawang pananaliksik.

- De Laiva (12 ABM-1)

1. Ang unang abstrak ay patungkol sa etika ng mga doktor sa loob ng ospital at ang kanilang pakikitungo sa mga taong naroroon. Ang pangalawang abstrak naman ay patungkol sa pinagdadaanan ng mga batang ina sa aspetong emosyonal, espiritwal, pinansyal, mental, relasyonal at sosyal.

2. Ang unang abstrak ay naglalaman ng mahigit 200 salita samantalang ang pangalawa naman ay naglalaman ng mahigit 100 salita. Higit na sinusunod ng unang abstrak ang mga palatuntunin at mayroong sensitibong paksa. Ang una ay walang metodolohiya at ang pangalawa ay mayroong metodolohiya.

3. Mas higit kong naunawaan ang unang abstrak na aking nabasa. Ito ay binubuo ng mga lehitimong impormasyon at naipaliwanag nang maayos ang nilalaman ng paksa. Napukaw agad nito ang aking atensyon dahil madalang lamang akong makabasa ng ganitong sulatin. Sa apat na talata na laman ng abstrak, madami na agad akong naunawaan at lahat ng iyon ay tumatak agad sa aking isipan.

- Abueg (12 ABM-1)


1. Ang abstrak na ito ay tumutungkol sa batang nagdadaan sa aspeto ng emosyonal, espritwal, mental, relasyonal, kupidinsyal at sosyal.


2. Yung nasa libro ay tumutukoy sa pakikipag-kapwa tao at yung nasa pisara naman ay tumutukoy sa 6 na aspeto ng bata.

3. Yung nasa pisara ang aking mas naintindihan dahil ako ay mayroong karanasan sa anim na aspeto ng bata at yun ay pagiging emosyonal at relasyonal dahil ako ay emosyonal sa aking karelasyonal o kapwa-tao dahil ako ay hindi batid na nang-aabuso sa aking kapwa.

- Amurao (12 ABM-1)

1. Tungkol ito sa karanasan ng isang batang ina at Intership: kwentong loob ng labas.

2. Sa kwentong Intership, ito ay tungkol sa doktora na nakapagtapos sa Unibersidad ng Pilipinas, Kolehiyo ng Arte at Literatura, Diliman sa lungsod ng Quezon. Ang awtor ay nagtatrabaho sa panggobyernong ospital na naging semi-private na at ang isang abstrak naman ay tungkol sa naging karanasan ng isang batang ina.

3.   Ang mas higit kong naunawaaan ay ang abstrak na tungkol sa isang karanasan ng isang batang ina dahil kung hindi tayo magsusumikap na makagtapos ng pag-aaral, mahihirapan tayo na makahanap ng trabaho para sa ating kinabukasan at mas higit ko itong na unawaan dahil sa panahon natin ngayon, marami na ang nagiging isang batang ina at halos sa kanila ay hindi kayang suportahan ang kanilang anak dahil sila ay walang maayos na trabaho.

- Soro, Reinalene (12 ABM-1)

1. Ang abstrak na ito ay tungkol sa isang internship na doktor kung saan nakikita niya ang mga pinaggagawa ng mga katrabaho niya na doktor sa mga pasyente. At kung paano niya nararanasan ang mga iba’t ibang ugali o pakikitungo sa loob ng ospital.

2. Ang pinagkaiba nila ay ang unang abstrak ay may pagkakagulo kung paano ito isinulat at ang pangalawa naman ay may mas maraming mahihikayat na mambabasa dahil mas mauunawaan nila ito dahil meron itong malinaw na nilalaman at may magandang pagkakasunod-sunod ng pagkakalagay sa nilalaman.

3. Mas naunawaan ko ang "Karanasan ng Batang Ina" dahil ito ay may pormal na nilalaman at maraming makakaunawa at mahihikayat na mga mambabasa at meron silang mapupulot na magandang aral. 

- Lacar (12 ABM-1)

Comments

Popular posts from this blog

Finals: Sulatin Blg. 3

Sulatin Blg. 3

OP#2: Deskriptibong Pananaliksik