Journal 1

"Bakit mahalagang malaman ang kalikasan, layunin at paraan ng pagsulat ng iba't ibang anyo ng sulating ginagamit sa pag-aaral sa iba't ibang larang akademik?"

           Mahalagang malaman ang bawat elemento ng iba't ibang uri ng pagsulat. Bukod sa paksa ng bawat sulatin, ang kalikasan, layunin at paraan ng pagsulat ay ilan sa mga elemento nito na tumutukoy sa kaibahan ng isang anyo ng akademikong sulatin sa iba. Ang kalikasan ay tumutukoy sa pangkalahatang layunin na mas malinang at mapalawig ang kakayahan at kaalaman ng isang mag-aaral sa pagsulat. Ang layunin naman ay ang tunguhin ng isang sulatin na nais niyang maiparating sa mga mambabasa. Samantalang ang paraan ng pagsulat ay ang estilo ng pagkakasulat ng isang sulatin. 

            Para sa akin, mahalagang malaman ang kalikasan, layunin at paraan ng pagsulat ng iba't ibang anyo ng sulatin dahil ito ang magbibigay-linaw sa atin kung anong klase ng akademikong sulatin ang isinulat at kung saang larang ng akademik ito nabibilang. Bagamat may general na kalikasan, layunin at paraan ang akademikong sulatin, mayroon pa ring mga pagkakaiba-iba ang mga ito na depende sa kung saan larang ito nabibilang. Ang mga pagkakaiba-iba na ito ang nagtatakda ng mga katangian ng ibang sulatin. Magiging gabay ang mga ito sa mga mambabasa at manunulat sa pagsuri at pagsulat ng isang teksto.

           Sa kabuuan, mahalaga na malaman ang kalikasan, layunin at paraan ng pagsulat upang ating makita at masuri nang malinaw ang isang sulatin ayon sa kinabibilangan nitong larang. Bukod dito, ito rin ay mahalaga upang magkaroon tayo ng gabay at palatandaan sa pagsulat ng iba't ibang sulatin sa iba't ibang larang akademik. 

        - Magsombol (12 ABM-1)


Mahalagang malaman ang layunin ng pagsulat sa paraan ng mga anyong iba’t ibang sulatin ginagamit sa pag aaral dahil ang akademikong pagsulat ay isinasagawa sa isang akademikong institusyon kung saan kinakailangan natin ang mataas na antas na kasanayan sa pagsulat.

Ang akademikong pagsulat ay may mga katangian tulad ng pormal na kung saan ang mga ganitong uri ng sulatin ay pormal at hindi ginagamitan ng mga impormal o balbal na salita. Maliban na lamang kung ang naturang uri ng pananalita ay bahagi ng isang pag-aaral.


Maraming layunin ang pagsulat na dapat nating matutunan sa larangan ng Filipino na nasa  modyul na kung ating babasahin ay ang kahulugang akademikong pagsulat. Sumunod naman ang kahalagahan ng layunin sa pagsulat. Kaya mahalagang malaman ang kalikasan, layunin at iba’t iba pang pagsulat.

- Soro, Reinalene (12 ABM-1)

Sa pag-aaral ng asignaturang Filipino mahalagang malaman ng bawat mamamayan o estudyante ang iba’t ibang paraan at layunin ng sulatin. Sa pamamagitan nito nabibigyang buhay ang isang sulatin at nakikita ang malikhaing pamamaraan ng isang manunulat. Pero bakit nga ba mahalagang malaman ang mga bagay na ito? Ito ang iilang bagay ng dahilan bakit mahalagang malaman ang iba’t ibang paraan at layunin ng sulatin.

Sa pag-alam at pag-aral ng mga paraan at layunin ng sulatin ay nabibigyang pansin ang impormasyong gustong iparating ng isang manunulat at pandagdag kaalaman sa tulad nating mambabasa. At sa pag-alam ng mga kalikasan, layunin at paraan ay nagkakaroon ng ideya ang isang manunulat na magkaroon ng isang temang sulatin para magbigay inspirasyon at impormasyon sa karamihan. Ito rin ang daan ng mga gustong maging manunulat na ilahad nila ang kanilang nararamdaman sa pamamagitan ng isang sulating pormal man o di pormal na pagsulat. Ito ang iilang bagay na dahilan ng pag-alam at pag-aaral sa mga kalikasan, layunin at paraan ng pagsulat at ito rin ang daan para mabigyang kulay ang isang pang-akademikong pagsulat.

Ang isang layunin lamang ng pag-aaral sa iba’t ibang paraan ng paggamit sa sulatin ay ang maihantulad at maparating ang isang uri  ng sulatin sa mamamayan o mambabasa sa isang malawak, malikhain at malinis o pagkamalinaw na pamamaraan para sa isang kwento at kung ano anong uri ng pagsulat.


- De Laiva (12 ABM-1)


Ang pagsulat ay binubuo ng kalikasan, layunin at paraan ng pagsulat. Lahat ng ito ay natutunan at nararapat na matutunan. Ang lahat ng ito at maaaring maging susi upang mahasa ang kaalaman sa pagsulat.

Mahalagang matutunan ang mga ito upang maging matagumpay sa pangangalap ng impormasyon at makahanap pa ng ibang impormasyon bukod sa alam natin kung tayo ay may layunin sa pagsulat na nais matamo para mas maging mahusay na manunulat. Mahalaga rin ang mga ito upang maiparating natin ang nais nating sabihin at naiintindihan ang mga nais ding iparating sa atin sa pamamagitan nang pagsusulat na may isinasagawang proseso.

Sa gayon ay mas malinang pa ang ating kakayahan sa pagsulat na may sinusunod na proseso. Tungo dito, mayroon tayong maiprisintang gawa na sariling atin.


- Abueg (12 ABM-1)


Napakamahalagang malaman ang mga ito dahil bilang isang estudyante o mag-aaral ng asignatura na ito, mahalaga ang malaman ang bawat uri o elemento para sa paraan ng pagsusulat. Ngunit kapag hindi inintindi ang paraan ng pasusulat at hindi mo rin ito isinapuso, hindi mo makakamit o malalaman kung ano ang tamang imumungkahi mo sa paraan ng iyong pagsulat ng paksa.                

Maraming layunin ang paraan ng pagsulat na dapat nating bigyan pansin sa larangan ng asignaturang Filipino. Ang paraan ng pagsusulat ay hindi lang sa paraalan isinasagawa kundi ang paraan ng pagsusulat ay pwede mong isagawa saan mang lugar dahil ang paraan ng pagsusulat ay isa sa pinakamalakas na kapangyarihan ng edukasyon. Dahil ito ay mayroong makabuluhang ibinibigay na impormasyon sa kapwa nating mambabasa na gusto makahagilap ng tamang impormasyon at layunin sa ating mga isinulat.      

Ang pagbuo nito ay nakadepende sa kritikal na pagbasa ng isang indibidwal o pangkalahatan. Para sa ganito ang uri ng pagsulat at ang husay ng manunulat ay puriin dahil sa ipinakita nitong mga magagandang datos, ideya, at impormasyon.

- Amurao (12 ABM-1)

Mahalagang malaman ang larangan ng akademiko o elemento nito dahil ito ay isang intelektwal at mahalagang pagtukoy sa pagsulat. At maaari rin ito makatulong sa pagpapataas ng kaalaman sa iba't ibang larangan.

Sa aking palagay, mahalagang malaman ang kalikasan, layunin at paraan sa pagsulat ng iba’t ibang anyo ng sulatin dahil ito ay nagbibigay impormasyon sa mambabasa kung ano ang nilalaman ng isang sulatin at ito ay nagbibigay linaw sa mga mambabasa o sa atin kung saang larangan ito nakasaad. Ang kalikasan, layunin at paraan ng sulatin ay nagbibigay gabay rin kung paano natin sisimulan ang pagsulat at nagbibigay gabay rin sa mga mambabasa upang matukoy ang bawat nilalaman ng sulatin kung paano ito ipinahayag at upang masuri rin ang pagkaka- larangan nito sa akademiko.


Sa kalahatan, mahalaga ito upang magbigay linaw sa atin at nagbibigay karagdagang kaalaman para sa atin upang tukuyin ang isang teksto.

- Lacar (12 ABM-1)



Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

Finals: Sulatin Blg. 3

Sulatin Blg. 3

OP # 1: “Isang natatanging karanasan bilang mag-aaral”