Sulatin Blg. 1
Mga Tanong: 1. Tungkol saan ang mga abstrak na binasa? 2. Bukod sa nilalaman, ano ang ipinagkaiba ng dalawa? 3. Alin sa mga abstrak na sulatin ang higit mong naunawaan? Ipaliwanag ang sagot. 1. Ang abstrak ng pananaliksik na pinamagatang "Internship: Kuwentong Loob ng Tagalabas" ay tungkol sa mga kaapihan, katiwalian at korupsiyon na nangyayari sa loob ng isang tipikal na ospital sa Pilipinas sa kasalukuyan. Tinalakay ng abstrak na ito ang kuwento ng isang doktora na tumaliwas sa kanyang sinumpaang tungkulin para sa personal na pangangailangan. Ang abstrak naman ng pananaliksik na may pamagat na "Karanasan ng Isang Batang Ina: Isang Pananaliksik" ay tungkol sa mga kaso ng maagang pagbubuntis at ang naging epekto nito sa emosyonal, espiritwal, mental, pinansyal, relasyonal at sosyal na aspeto ng mga respondente. Inilahad sa abstrak na malalapit ang mean score ng bawat aspeto. 2. Ang abstrak ng pananaliksik na pinamagatang "Int...