OP#2: ''Ang paglalakbay ko at ng aking pamilya sa bayan ng Tagudin, Ilocos Norte''

Isinulat ni Reinalene Soro


Noong araw ng Marso 27, 2017, ako at ang aking ina ay nagtungo sa aming probinsya sa Ilocos Norte, bayan ng Tagudin. Sa pag-upo ko sa aircon bus ramdam ko ang takot at saya sa aking unang pagpunta sa Ilocos Norte. Halos 8-12 oras ang biyahe. Oo matagal, nakakabagot sa biyahe, halos mas pagod pa ko na bumiyahe kesa maglinis ng bahay ngunit kahit ganon ay may free wifi naman.
Pagbaba namin sa aircon bus agad kaming sinalubong ng aming pamilya na nakakapawi ng pagod dahil sa kanilang pagkasabik na kami ay makakasama. Noong araw na iyon ay piyesta rin sa kanilang lugar, maraming bilihin na magaganda at marami ring musikero sa kanilang lugar.
Napakaganda ng kanilang lugar halos nakakapawi ng pagod ang kanilang bayan dahil ito ay puno ng mga payong sa itaas at puro prutas ang kanilang disenyo dahil ang bawat baranggay ay may representa na prutas at gulay tulad ng kalamansi, mangga, santol, kalabasa, petchay, at iba pa. Ito na yata ang simbolo ng maging masaya ka sa lahat ng bagay lalo na sa mga taong nakakasalamuha mo. Palaging ngumiti kahit na maraming problema. At ito ang lugar ng Tagudin, Ilocos Norte.

Comments

Popular posts from this blog

Finals: Sulatin Blg. 3

Sulatin Blg. 3

OP#2: Deskriptibong Pananaliksik