OP#1: '' Isang natatanging karanasan bilang isang mag-aaral''
Isinulat ni Reinalene Soro
Noong ako ay
nasa highschool hindi alam kung ano ba ang ibig sabihin ng athletics, marami
akong pinagtanungan ang sabi nila " basta may tumatakbo, tumatalon at may
naghahagis". Sa sobrang interesado ko itong malaman lumapit ako sa isang
guro kung saan ay nagtuturo ng pagiging atleta. Sinubukan kong gawin, maraming
araw ang lumipas at may nakakapansin sa aking galing at talento sa pagtakbo ng
isang daang metro at dalawang daang metro na pansin ko sa aking sarili na sa
tuwing kami ay may pagsasanay, ako palagi ang nauunang makatapos sa finish
line.
Ang araw ay
dumating nagkaroon ng kompetisyon sa aming paraalan, ito ay tinatawag na
intrams. Nagsimula ang laban at ang aking kalaban ay iniwan. Maraming namangha
sa aking bilis na tumakbo. Ako ay nakatanggap ng dalawang gintong medalya at
isang pilak sa paglalaro ng athletics, dumating ang araw na may kompetisyon
ulit ngunit mas malakas na ang aking makakalaban. Takot na takot ako sa aking
mga kalaban dahil ako ay isang maliit lamang, maigsi ang aking biyas, nilagnat
ako sa sobrang takot halos gusto ko ng umaway ngunit ipinagpatuloy ko ito. Muli
akong nagwagi sa kompetisyon na iyon at ito ay nagtuloy-tuloy hanggang makakuha
ng dalawampun’t apat na medalya.
Natutunan ko na
wag sumuko sa anumang mga pagsubok na tatahakin. Huwag mong maliitin kung sino
ka at kung ano ka. Maging positibo sa lahat ng bagay ang iyong pangarap ay
makakamtam.
Comments
Post a Comment