OP# 6: Liham Pasasalamat
375 Brgy. Mulawin,
Tanza, Cavite
Ika-24 ng Setyembre
2023
G. BLU STUART
Financial Manager
Fully Booked
Taguig, Manila
Mahal na Ginoong Stuart:
Magandang araw!
Ako po si Rich Anne A. Magsombol
na tinanggap niyo sa inyong kompanya bilang isang accountant.
Ako po ay lubos na
nagpapasalamat sa inyo at sa inyong mabuting tanggapan, sa tiwala na ibinibigay
niyo sa akin. Kayo po ay makakaasang ibibigay ko ang aking makakaya sa pagganap
sa mga tungkuling iaatas niyo sa akin. Paglilingkuran ko po ang inyong kompanya
ng may angking galing at sipag. At sisiguraduhin ko pong hindi kayo magsisisi
sa pagtanggap sa akin.
Maraming salamat po muli at
mapagpalang araw.
Lubos na sumasainyo,
Bb. Rich Magsombol
Comments
Post a Comment