OP #2: “Balayan, Batangas”
Isinulat ni Karinna Abueg
Noong Mayo 31,
2016 ay biglaan ang aking pagpunta sa Balayan, Batangas. Ito rin ang una kong
karanasan na bumyahe ng biglaan kasama ang aking pamliya. Maayos ang naging
takbo ng byahe at kay sarap pagmasdan ang mga berdeng halaman, tubo, at bundok
na aming nadaanan. Hindi trapik papunta rito kaya naman hindi ito nakakapagod
at mahigit dalawang oras lamang ang byahe.
Sa pagpunta
namin ay lamig ng simoy ng hangin ang hinayaan kong dumampi sa aking balat.
Hinayaan kong nakabukas ang bintana upang malanghap ang sariwang hangin. Kitang
kita ko ang mga nagtatabas ng tubo at nagpapastol ng kalabaw. At habang ako'y
abala sa pagmamasid sa bawat nadadaanan namin ay hindi ko namalayang tumigil na
pala ang aming sasakyan sa simbahan ng Balayan. Kahit ilang beses na akong
nakarating dito ay napapahanga pa rin ako sa angking ganda ng simbahan ng
Balayan. Sa gilid ay mayroong nakahalerang mga nagtitinda ng rosaryo at iba pa
gaya ng mga bracelet. Sa tapat naman ay mga nakahalerang ihawan na talaga
namang makakapagpakulo ng iyong tiyan. Ngunit sa pagpunta ko roon ay nilabas ko
ang aking saloobin at nagdasal sa simbahan at pagkatapos ay nagpakuha ng
litrato sa rebulto ni Hesus.
Hindi man
kumpleto ang aming pamilya, sa pamamagitan ng simbahang ito ay nagkakasama kami
at nakakapag-alis ng lungkot dahil uto'y napapalitan ng saya kapag nasilayan na
ang simbahan ng Balayan. Ito ay sagrado at simple lamang. Ang mga tao rito ay
marunong rumespeto at makitungo. Sa pagpunta mo rito ay malilinis ang iyong
kalooban dahil na rin sa simbahan, hangin, at mga taong nasa Balayan.
Comments
Post a Comment