OP #1: "Kinapang Midterm Examination"

Isinulat ni Karinna Abueg


Hindi man lahat nag-aaral bago sumapit ang exam, pero lahat ay hindi na mapalagay sa maaaring kalabasan. Review dito, review doon. Sulat dito, sulat doon. Pero ang pinaka madalas mangyari ay kopya dito, kopya doon.
Sa pagsapit ng aming Midterm Examination, gumagawa ako ng reviewer sa bawat subject upang matandaan ko kaagad ang nilalaman nito. Ngunit bago 'yon, ako'y nanuod muna ng K-Drama hanggang gabi, at saka ako nagpuyat sa paggawa ng reviewer. Madalas at malimit kong pinapahirapan ang sarili ko at 'yon ay kapag sasapit na ang Midterm Examination. Kalimitang akong inaabot ng hatinggabi upang magbasa at magsaulo ng mga 'terms'. Sa nakalipas na tatlong araw na kape ang aking karamay at K-Drama ang aking kasangga, ako ay naging masaya. Sa bawat pag-alala ko ng mga sagot, pinagmamasda ko ang mukha ng mga kaklase ko. Mayroong sinagutan na lahat at puro hula ang ginawa. Mayroon ding seryoso habang nakakunot ang noo. Mayroon ding patagong magsesenyasan at mayroon din namang tuloy-tuloy ang pagsagot at maagang nakatapos. Aminado akong isa ako aa mga seryoso at nakakunot ang noo dahil bakas sa mukha ko na nahihirapan ako sa kabila ng paghahanda ko. Pero ako'y masaya dahil ang 9 na asignatura na aking sinagutan ay ako lamang ang sumagot at walang tulong ninoman at walang hiningian ng tulong.
Sa nakalipas na Midterm Examination, ako ay nahirapan dahil pinahirapan ko talaga amg sarili ko. Bakit? Isa lang ang dahilan. 'Yon ay dahil mas nagpupursigi ako kapag nahihirapan ako. Sinasanay ko na ang sarili ko na mahirapan dahil hindi lahat ng bagay ay madaling kunin at abot kamay lamang. Kinape ko man ang Midterm Examination, pinakamatalik ko namang kaibigan ang kape na nagpapagising ng diwa ko alang-alang sa exam.

Comments

Popular posts from this blog

Finals: Sulatin Blg. 3

Sulatin Blg. 3

OP#2: Deskriptibong Pananaliksik