Sulatin Blg. 4

Suriin Mo Na

Mga Tanong:
1. Ano ang kahulugan ng posisyong papel batay sa iyong sariling pag-unawa?
2. Bakit mahalaga ang paglalatag ng mga argumento sa pagsulat ng posisyong papel?
3. Ano ang mahahalagang elemento sa pagsulat ng posisyong papel? Bakit ito mahalaga?
4. Ano- ano ang nililinang na kasanayan sa pagsulat ng posisyong papel?
5. Mahalaga bang isaalang- alang ang babasa ng iyong posisyong papel? Bakit?

Isabuhay Mo Na

Mga Tanong:
1. Ano ang isyung binibigyang-diin sa posisyong papel?
2. Paano inilahad ang opinyon sa posisyong papel?
3. Paano inilatag ang mga ebidensya hinggil sa isyu? Ano-ano ang mga ito?
4. Ano ang naging kongklusyon sa posisyong papel?
5. Ikaw, ano ang iyong paninindigan sa isyu?

Mga Sagot:

Suriin Mo Na

1. Ang posisyong papel ay isang akademikong sulatin na naglalahad ng posisyon o paninindigan ng isang manunulat ukol sa isang isyu sa lipunan.
2. Mahalaga ang paglalatag ng mga argumento sa pagsulat ng posisyong papel dahil napahuhusay nito ang nilalaman ng sulatin at mas napatitibay ang paninindigan ng manunulat. Mahalaga ito upang lubos na maintindihan ng mga mambabasa ang nais iparating ng manunulat sa kanyang panghihimok sa papel.
3. Ang mahahalagang elemento nito ay ang piniling paksa na batay sa interes, ang paunang pananaliksik, ang pag-unawa sa kabaligtarang pananaw, pagkolekta sa sumusuportang katibayan at ang paglikha ng balangkas. Mahalaga ang mga ito dahil dito nakabatay ang kawilihan ng mga mambabasa sa isinulat na posisyong papel at ang pagka-epektibo nito sa panghihimok sa paninindigan ng manunulat.
4. Nililinang nito ang kahusayan sa paninindigan sa inilahad na argumento, pananagutan sa mga sanggunian at kasanayan sa kalinawan at kasinupan ng impormasyon.
5. Opo, mahalagang isaalang-alang ang babasa ng aking posisyong papel. Ito ay dahil sila ang mga hinihimok o hinihikayat ko sa aking pagsulat. Kung hindi ko sila isasaalang-alang, hindi nila maiiintindihan ang aking isinulat at mababalewala ang ginawa kong pananaliksik. 

Isabuhay Mo Na

1. Ang isyung binibigyang-diin sa posisyong papel ay ang paggamit ng wikang Filipino bilang wikang panturo sa kolehiyo at pagkakaroon ng mga asignaturang Filipino bilang mandatory core course sa kolehiyo.
2. Inilahad nito ang opinyon sa pamamagitan ng pagpapahayag ng malinaw na posisyon sa nasabing argumento, pagtatala ng kasalungat na pananaw at paglalahad ng mga suportang detalye sa pinaninindigang posisyon.
3. Inilatag ang impormasyon/ ebidensya sa pamamagitan ng paglalahad ng opinyon at pagtatala ng mga impormasyon gamit ang mga pinagkakatiwalaang sanggunian. Ang mga ebidensya ay ang mga sumusunod:
a. Paniniwalang mabisa ang gamit ng Filipino sa mabilis at mabuting pagkatuto ng mga mag-aaral.
b. Ang hindi paggamit nito ay sisira sa kulturang panrehiyon at paglabag sa Konstitusyon ni dating Pang. Manuel L. Quezon.
c. Ayon sa 1987 Konstitusyon Artikulo XIV, Seksyon 6, Filipino ang dapat maging midyum opisyal...
4. Ang naging kongklusyon ay ang paglalahad ng layunin ng pamantasan, na gaya rin ng ibang institusyon, na hubugin at paunlarin ang kaalaman ng mga mag-aaral at iba pang Pilipino.
5. Ang paninindigan ko sa isyu ay kasalungat sa opinyon ng manunulat. Para sa akin, patuloy pa ring mapauunlad ang wikang Filipino dahil ito ay ginagamit natin sa pang-araw-araw na komunikasyon. Kaya naman dapat maging 'focused subjects' o mga asignaturang may 'specialization' ang kuhanin sa kolehiyo. 
- Magsombol

Suriin Mo Na

1. Para sa akin, ang posisyong papel ay tinatalakay na may paninindigan. Ito ay ang pagpili ng magiging katayuan kung ikaw ay sumasang-ayon o hindi sa paksang tinatalakay. Sa posisyong papel ay nararapat na mapanindigan ang iyong katayuan sa pamamagitan ng pagkalap ng mga lehitimong impormasyon na makakapagpatunay at magbibigay suporta sa isyung tinatalakay.
2. Mahalaga ang paglalatag ng mga argumento sa pagsulat ng posisyong papel upang mas mapanindigan, maipaglaban at mabigyang katayuan ang bawat argumento. Ito ay para masuportahan, mapatunayan at madepensahan ang argumentong inilatag sa pamamagitan nang pagbibigay mga lehitimong impormasyon na susuporta sa posisyong papel.
3. Ang mahalagang elemento sa pagsulat ng posisyong papel ay ang paksa, argumentative thesis, claim at ebidensya, at posisyon. Ang mga ito ay mahalaga upang makabuo ng makabuluhang posisyong papel na may sinusundang proseso.
4. Ang mga nililinang na kasanayan sa pagsulat ng posisyong papel ay ang kakayahan na patunayan ang posisyong pinapanindigan. Ito ay ang kakahayang makapagbigay ng 'facts’.
5. Oo, mahalagang isaalang-alang ang babasa ng iyong posisyong papel. Dahil sila rin naman ang dahilan kung para saan at kung bakit mo ginagawa ang posisyong papel. At para na rin mas maibigay mo ang lahat upang makapagbigay ng siksik na impormasyon para sa mga mambabasa.

Isabuhay Mo Na

1. Ang binibigyang-diin na isyu sa posisyong papel ay ang paggamit ng wikang Filipino upang panturo sa kolehiyo at gawin itong mandatory core course sa kolehiyo.
2. Inilahad ang opinyon sa posisyong papel sa pamamagitan ng pagpapalawak nito at paglalagay ng kanilang paniniwala. At, ipinaloob din nila rito ang ilang lehitimong impormasyon at inilahad nila kung gaano kaimportante ang wikang Filipino.
3. Inilatag ang mga ebidensya hinggil sa isyu sa pamamagitan ng pagbibigay ng halimbawa ng batas na may kinalaman sa Wikang Filipino. Pinalawak ito upang mas madaling maintindihan ang dahilan at ipinaliwanag ng malinaw kung bakit kailangang gamitin ang wikang Filipino upang gawing panturo at mandatory core course sa kolehiyo.
4. Ang naging kongklusyon sa posisyong papel ay katulad lamang ng iba pang institusyon ay nararapat na matutunan at gamitin ng bawat isa ang Wikang Filipino at maging katuwang ito sa paghubog sa edukasyon sa mga kabataan at ng lahat.
5. Ako ay sumasang-ayon sa isyu.
- Abueg


Suriin Mo Na

1. Ang posisyong papel ay isang salaysay na naglalahad ng paksa at isinusulat ng may-akda at upang mahikayat ang madla na kung ito ay naglalahad ng sumasang-ayon at di pagsang-ayon.
2. Upang ito ay mapatibay ng isang argumento at mapatibay ang isang nilalaman ng sulatin upang ito’y may paninindigan at upang maintindihan ng makikinig o mambabasa .
3. Ang mahalagang elemento sa pagsulat ng posisyong papel ay yung nakadetalye sa argumento dahil ito yung nagpapatibay ng paksa at pag-unawa sa pananaw ng posisyong papel.
4. Ang pagbibigay ng paninindigan o pangangatwiran sa isang argumento ng posisyong papel.
5. Oo mahalagang isaalang-alang ito dahil ang mga mambabasa ang nagbibigay opinyon sa iyong argumentong ginawa at sila ang nagsisilbing hurado ng isang argumento.

Isabuhay Mo Na

1. Ang isyung nagbibigay-diin sa posisyong papel ay ang paggamit ng wikang Filipino bilang wikang panturo sa kolehiyo at pagkakaroon ng mga naturang Filipino bilang mandatory core source sa kolehiyo.
2. Inilalahad nito  sa pamamagitan ng pagbibigay ng malinaw na posisyong papel at pagbibigay suporta sa mga detalyeng nakalaad sa mga argumento.
3. Inilatag ito sa pamamagitan ng katibayan o isang artikulo upang patunayan ang kanyang posisyong papel.
- Lacar

Suriin mo na

1. Ang posisyong papel ay isang akademikong pagsulat na kung saan may posisyon o paninindigan ka sa isang paksa. Kung saan iisang daloy lang ang dapat makita sa sulating ito at nakikita ang tapang ng loob sa sulatin kung saan ka nakapanig.
2. Kung kaya’t mahimok ang mambabasa upang maunawaan at sang-ayunan ang isang panig at ang paninindigan ng isang manunulat. At sa argumentong ito ang sulatin na to ay mas mahukay o maunawaan pa lalo ang isang dahilan na maaaring mapagkuhanan pa ng pandagdag na kaalaman.
3. Sa aking pananaw, ito ang ebidensya, pahayag ng tesis at sumusuportang ideya. Mahalagang malaman ito sapagkat dito matutunghayan o mapagtitibay ang argumentong pinapanigan ng manunulat.
4. Nililinang na kasanayan nito ay ang mapagtibay ang sariling paninindigan sa argumentong pinanigan. At kung kaya’t may kasanayan na makapagpokus sa interes na dahilan lamang at mapalawak pa ang kaalaman sa paksang nilalahad.
5. Opo, sapagkat dito malalaman o matutulungan ang isang mambabasa sa kung saan siya nakapanig o argumentong nakapokus sa paksa. At isasaalang ang mambabasa para’t mapagtibay at masuportahan pa ang iyong panig.

Isabuhay mo na

1. Dito ay binibigyang diin ang paniniwala na dapat ang wikang Filipino ay gamitin bilang mandatory na wikang panturo sa 12 yunit sa bagong GEC (General Education Curriculum).
2. Sa pamamagitan ng isang magalang na paraan. At nakasaad din sa posisyong papel na ito ang kadahilanang bakit dapat bigyang pansin at gamitin ang wikang Filipino sa panturo.
3. Nailatag ang ebidensya tungkol sa isyu sa kagawarang ipinatupad na isinasaad sa 1987 Kontistusyon Artikulo XIV, Seksyon 6 na dapat maging midyum ng opisyal ang Filipino.
4. Na ang wikang Filipino ay mararapat lamang matutunan hindi lamang pangkolehiyo kundi sa lahat ng nasasakupang rehiyon ng Pilipinas. Upang mahubog ang pag-aaral na mapaunlad ang kaalaman at mapagyaman ang wikang Filipino.
5. Tulad nang aking nabasa ako ay sumasangayon na dapat ang wikang Filipino ay dapat bigyang-diin at gamitin na wikang panturo sa kolehiyo. 
- De Laiva

Suriin Mo Na

1.Ang posisyong papel ay ginagamit bilang panturo sa mga kolehiyo at ito ay naglalahad ng ating mga opinyon na naninindigan hinggil sa mga mahahalagang isyu patungkol sa batas at iba pa.
2. Dahil layunin ng posisyong papel na makahikayat ng mambabasa na magkaroon ng kamulatan sa inihahain nila.
3. - paninindigan na makamulat
     -mga ebidensya o pruweba
     -matibay na pagsang-ayon
4. Nililinang dito ang mga paninindigan at kasanayan sa mga impormasyon.
5. Para sa akin hindi, dahil ito ay sarili mo lang opinyon base sa mga paniniwala natin.

Isabuhay Mo Na

1. Sa aking palagay ang  isyung binibigyang-diin sa posisyong papel ay tungkol sa paggamit ng wikang Filipino bilang wikang panturo para sa mga mag-aaral ng kolehiyo.
2. Inilahad ang opinyon sa posisyong papel na dapat gamitin ang wikang Filipino dahil sa paggamit ng wikang Filipino mabibigyang-diin dito ang mga halimbawa sa pamamagitan ng pagsabi sa mga artikulo.
3. Ito ay inilatag para sa pagpapatibay ng mga opinyon.
4. Ang wikang pambansang Filipino ay mahalagang elememto ng kasaysayan sa daang-daaang taon naging bahagi ng himagsikan noon at ngayon bago makamit ang kasukdulan ng paglaya.
5. Ako ay sumasang-ayon sa paggamit ng wikang Filipino bilang panturo sa kolehiyo at pagkakaroon ng mga asignaturang Filipino.
- Soro, Reinalene


Comments

Popular posts from this blog

Finals: Sulatin Blg. 3

Sulatin Blg. 3

OP#2: Deskriptibong Pananaliksik