Posts

OP #4: Panakip na Liham

      375 Brgy. Mulawin            Tanza, Cavite                            Ika-19 ng Pebrero 2018 G.ADAM COLLINS Manager Fully Booked Taguig, Manila Kagalang- galang na Ginoong Collins:                 Magandang araw!                 Ako po si Rich Anne A. Magsombol na nagtapos ng Bachelor of Science in Accountancy sa Unibersidad ng Santo Tomas taong 2023 na may karangalan bilang Cum Laude. Nais ko po sanang mag-aplay ng trabaho sa inyong mabuting tanggapan bilang accountant o anumang posisyong mayroong kaugnayan sa aking tinapos na kurso.                 Ang pagiging student assistant ay aking maipa...

OP #3: "Ngiti"

Isinulat ni Rich Anne A. Magsombol        Ipinapakita ng mga larawang ito ang kwento sa likod ng mga ngiti naming dalawa. Sa una ay talagang nariyan ang hiyaan at "kaawkwardan" sa pagitan ng aming mga pag-uusap. Ngunit sa kadahilanang nasa iisang paaralan lang kami nag-aaral, nag-udyok ito upang maging mas madali ang aming komunikasyon. Kami ay may madalas na nakapag-usap kaya naman ay mas nakilala namin ang isa't isa. Naging malapit kaming magkaibigan. Tulad ng iba, kami ay gumagala sa mga book fairs, sumasakay sa trip ng bawat isa at kumakain sa labas. Bukod dito, kami ay parehong "Gold Awardee" sa aming paaralan. At sa pagtagal ng panahon, sabay naming inaasahan na makakamit namin ang aming mga pangarap sa buhay. 

OP #1: "Kinapang Midterm Examination"

Isinulat ni Karinna Abueg Hindi man lahat nag-aaral bago sumapit ang exam, pero lahat ay hindi na mapalagay sa maaaring kalabasan. Review dito, review doon. Sulat dito, sulat doon. Pero ang pinaka madalas mangyari ay kopya dito, kopya doon. Sa pagsapit ng aming Midterm Examination, gumagawa ako ng reviewer sa bawat subject upang matandaan ko kaagad ang nilalaman nito. Ngunit bago 'yon, ako'y nanuod muna ng K-Drama hanggang gabi, at saka ako nagpuyat sa paggawa ng reviewer. Madalas at malimit kong pinapahirapan ang sarili ko at 'yon ay kapag sasapit na ang Midterm Examination. Kalimitang akong inaabot ng hatinggabi upang magbasa at magsaulo ng mga 'terms'. Sa nakalipas na tatlong araw na kape ang aking karamay at K-Drama ang aking kasangga, ako ay naging masaya. Sa bawat pag-alala ko ng mga sagot, pinagmamasda ko ang mukha ng mga kaklase ko. Mayroong sinagutan na lahat at puro hula ang ginawa. Mayroon ding seryoso habang nakakunot ang noo. Mayroon ding patag...

OP #2: “Balayan, Batangas”

Isinulat ni Karinna Abueg Noong Mayo 31, 2016 ay biglaan ang aking pagpunta sa Balayan, Batangas. Ito rin ang una kong karanasan na bumyahe ng biglaan kasama ang aking pamliya. Maayos ang naging takbo ng byahe at kay sarap pagmasdan ang mga berdeng halaman, tubo, at bundok na aming nadaanan. Hindi trapik papunta rito kaya naman hindi ito nakakapagod at mahigit dalawang oras lamang ang byahe. Sa pagpunta namin ay lamig ng simoy ng hangin ang hinayaan kong dumampi sa aking balat. Hinayaan kong nakabukas ang bintana upang malanghap ang sariwang hangin. Kitang kita ko ang mga nagtatabas ng tubo at nagpapastol ng kalabaw. At habang ako'y abala sa pagmamasid sa bawat nadadaanan namin ay hindi ko namalayang tumigil na pala ang aming sasakyan sa simbahan ng Balayan. Kahit ilang beses na akong nakarating dito ay napapahanga pa rin ako sa angking ganda ng simbahan ng Balayan. Sa gilid ay mayroong nakahalerang mga nagtitinda ng rosaryo at iba pa gaya ng mga bracelet. Sa tapat naman ay...

OP# 6: Liham Pasasalamat

375 Brgy. Mulawin,    Tanza, Cavite Ika-24 ng Setyembre 2023 G. BLU STUART Financial Manager Fully Booked Taguig, Manila Mahal na Ginoong Stuart:                 Magandang araw!                 Ako po si Rich Anne A. Magsombol na tinanggap niyo sa inyong kompanya bilang isang accountant.                 Ako po ay lubos na nagpapasalamat sa inyo at sa inyong mabuting tanggapan, sa tiwala na ibinibigay niyo sa akin. Kayo po ay makakaasang ibibigay ko ang aking makakaya sa pagganap sa mga tungkuling iaatas niyo sa akin. Paglilingkuran ko po ang inyong kompanya ng may angking galing at sipag. At sisiguraduhin ko pong hindi kayo magsisisi sa pagtanggap sa akin.                 Maraming salam...

OP#2: ''Ang paglalakbay ko at ng aking pamilya sa bayan ng Tagudin, Ilocos Norte''

Isinulat ni Reinalene Soro Noong araw ng Marso 27, 2017, ako at ang aking ina ay nagtungo sa aming probinsya sa Ilocos Norte, bayan ng Tagudin. Sa pag-upo ko sa aircon bus ramdam ko ang takot at saya sa aking unang pagpunta sa Ilocos Norte. Halos 8-12 oras ang biyahe. Oo matagal, nakakabagot sa biyahe, halos mas pagod pa ko na bumiyahe kesa maglinis ng bahay ngunit kahit ganon ay may free wifi naman. Pagbaba namin sa aircon bus agad kaming sinalubong ng aming pamilya na nakakapawi ng pagod dahil sa kanilang pagkasabik na kami ay makakasama. Noong araw na iyon ay piyesta rin sa kanilang lugar, maraming bilihin na magaganda at marami ring musikero sa kanilang lugar. Napakaganda ng kanilang lugar halos nakakapawi ng pagod ang kanilang bayan dahil ito ay puno ng mga payong sa itaas at puro prutas ang kanilang disenyo dahil ang bawat baranggay ay may representa na prutas at gulay tulad ng kalamansi, mangga, santol, kalabasa, petchay, at iba pa. Ito na yata ang simbolo ng maging ma...

OP#1: '' Isang natatanging karanasan bilang isang mag-aaral''

Isinulat ni Reinalene Soro Noong ako ay nasa highschool hindi alam kung ano ba ang ibig sabihin ng athletics, marami akong pinagtanungan ang sabi nila " basta may tumatakbo, tumatalon at may naghahagis". Sa sobrang interesado ko itong malaman lumapit ako sa isang guro kung saan ay nagtuturo ng pagiging atleta. Sinubukan kong gawin, maraming araw ang lumipas at may nakakapansin sa aking galing at talento sa pagtakbo ng isang daang metro at dalawang daang metro na pansin ko sa aking sarili na sa tuwing kami ay may pagsasanay, ako palagi ang nauunang makatapos sa finish line. Ang araw ay dumating nagkaroon ng kompetisyon sa aming paraalan, ito ay tinatawag na intrams. Nagsimula ang laban at ang aking kalaban ay iniwan. Maraming namangha sa aking bilis na tumakbo. Ako ay nakatanggap ng dalawang gintong medalya at isang pilak sa paglalaro ng athletics, dumating ang araw na may kompetisyon ulit ngunit mas malakas na ang aking makakalaban. Takot na takot ako sa aking mga kala...